CHAPTER TWENTY-THREE

7 0 0
                                    

M I L L E R

Oh man. Oh man. Oh man!

Ano na ang susunod kong gagawin?

I called Kristoff and he told me that he will be there right after he fetch the medicine, but it has been five minutes since then pero hindi pa siya dumarating. What makes him so long?

Nasa elevator na kami at malapit na sa floor ng unit ni Axel. Nung tinawagan ko si Kristoff ay akala ko na instant na siyang darating. I barely managed to get Axel inside the building. Hindi man gaanong halata dahil madilim sa labas, pero nang dumaan kami sa unang poste mula sa eskinita ay kitang-kita ang mga kalmot ni Axel sa katawan at pisngit. Maputla rin siya at malalim ang paghinga. Maswerteng saglit na umalis ang tao sa reception table dahil kung nagkataon ay wala na akong choice kung hindi ang maghintay kay Kristoff sa tagong bahaging iyon ng dalawang magkatabing building.

"We're here."

Sa sofa ko sana siya pahihigain but then he is too big for it. Hindi rin naman pwede sa kwarto niya dahil hindi naka-lock ito, and he only goes in and out by teleportation. Kaya naman ay sa kwarto ko na lang kami pumunta.

"Okay. Gotta get water." Lalabas n asana ako ng silid ko nang mag-ring ang cellphone ko.

Young Vampire is calling...

Hindi ako nagdalawang-isip at sinagot agad ito. "Nasaan ka na?"

"Nasa labas na ako ng building."

"Bakit nandyan ka pa?" Bakit hindi na lang niya sinagat ang teleportation niya at dumiretso na mismo sa unit?

"I can only teleport here. I've never been inside the Master's unit."

What? I don't really understand but I don't have the time to argue.

"Okay. Just get in and look for Room 67." Pagkatapos nun ay binaba na ni Kristoff ang tawag.

I quickly went to the kitchen and fetch a warm basin of water at kumuha ng towel sa mga gamit ko. I should at least clean his wounds.

Magsisimula pa lang sana ako sa pagpupunas nang marinig ko ang bell ng unit.

It must be Kristoff.

"Finally," I impatiently uttered when I opened the door and was right about it.

"Anong nangyari kay Master?" bungad niyang tanong sa akin.

"I don't know, I saw him with a man... or I must specifically say he was a vampire as well," paglilinaw ko. "He was harassing him. I thought they also fought with these injuries in his body."

"A vampire harassed the master?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Kitang-kita sa kanya ang gulat pero saglit na umangat ang kanyang isang kilay na parang may sumagi sa kanyang ideya kung sino ito. Kasunod nun ay nagtanong siya ng, "Hinalikan ba ng lalaking 'yun si Master o kaya ay inakit?"

"What? How did you know?" Looks like I am right. Mukhang kilala niya kung sino ang lalaking 'yun.

"Ah. It's... never mind. That person is someone the likes of you should not mess with," babala ni Kristoff sa akin. After that serious atmosphere, the topic quickly shift to Axel's condition."By the way, you should give master human blood. It is the most efficient medicine for us. It will rapidly heal him," pahayag niya sa akin habang papasok ng silid ko.

"Oh. Yes, blood." Muntik ko nang makalimutan sa taranta. "Sure, wait. Kukuha lang ako ng kutsilyo—"

"Kutsilyo? What do yo– aah," natigilan siya tapos nagwika ng, "Naku. Naku. Hindi na kailangan, nagdala ako ng blood pack."

Taming the VampireWhere stories live. Discover now