M I L L E RNawalan ako ng gana na pumasok sa trabaho. Matapos ang ilang taon na pagbabanat ng buto ko ngayon lang ako nawalan ng gana. I never had a significant factor in being lazy. I have a huge debt to pay, hindi pa ba sapat 'yan para imotivate ako? But even if the day comes that I will feel lazy about earning money, I never thought that something as unrelated and unexpected would be the reason – I have wet dreams many years after puberty!
And what is more shocking is the dream I had was with a man. Alam kong ilang araw nang naninirahan ng libre sa isipan ko si Axel Wesley but who could have thought na darating ang punto na mapapanaginipan ko siya in that certain situation?
"Miller, may reservation ka mamayang 10:30," saad sa akin ni Dan paglabas ko ng staff room.
"Private ba?"
"Regular."
"Cool," ani ko tapos ay pumunta na sa customer ko.
Matatapos na ang oras ko sa kanya kaya humingi ako ng three minutes break para magbanyo at huminga. Hindi madali ang limang oras na pagngiti at pagsunod sa mga gusto ng customers namin. Not to mention, we also have to talk to them and pretend that we are interested in the conversation. May iba pa nga na bigla na lang magbubukas ng topic tungkol sa trabaho nila. Ayos lang naman kung simpleng trabaho lang ang mayroon sila, kaso may iba kasi na mga doktor sa utak, mga engineer, mga negosyante sa ibang bansa at kung anu-ano pa. May iba naman na tungkol sa pamilya nila ang gustong pag-usapan. Nihindi ko nga kilala ang mga 'yun, kaya puro tango at maikling komento lang ang binibigay namin. Minsan nga ay halos hindi na ako nagsasalita dahil wala naman akong masasabi sa mga taong hindi ko kilala.
It may not be too much in the physical department but it is sure draining for our empathy.
"You're back," bati ng customer ko na hinihintay akong bumalik.
The table here is a little fancier than a regular club. Dahil hindi pwede ang live banda sa amin ay bumabawi kami sa mismong interior at service namin. Our main service is attractive men, suitable and loved of all ages. Instead of entertainment, we offer companions at para maging komportable ang lahat kailangan na maganda ang lamesa at upuan.
We have a minimal marble table and a fancy velvet maroon sofa. Hugis C ito. The corners serve as barriers to make the space a little private. May bulaklak at kandila sa gitna. The ambience should be relaxing and romantic, so we have yellow lights and flowery plants everywhere. Naka-tuxedo rin kaming mga host. All in all our place has a luxurious aura.
Maliban sa rates naming mga host, kumikita rin ang club namin sa pamamagitan ng mga mamahaling drinks na binebenta ng bar namin. Basically, aside from paying for us for exclusive time, the customers can also buy drinks. Mas mahal ang drinks, mas maganda dahil may porsyento rin kami sa total spending ng customer sa oras na kasama namin sila. That's why we sweet talk them most of the time. We make them feel comfortable and follow what they want. All these lead them to buying us a drink. May konting pagkain din kami. But we don't serve heavy meals. Mga snacks lang na sakto pang-pulutan.
"Sorry kung natagalan, sumaglit pa kasi ako kay Dan."
"No, it's fine. I did not wait that long," nahihiyang sagot ng customer. "Uhm, my time is almost up," sabi niya saka tiningnan ang maliit na orasan sa table.
We have timers here. Para ito sa aming mga host. Sa murang halaga lang ay makatabi at makakausap na nila kami sa loob ng isang oras.
"Yup, less than 6 minutes na lang. Sorry kung na-consume ko ang tatlong oras sa banyo."
"No, no. It's totally fine. I'm sure you also got bored talking with me," malungkot niyang sambit.
"Amber," sweet kong pagbigkas sa pangalan niya sa, "talking with you is never boring." Calling their name adds to our familiarity. Mas close, mas maganda. Kasi may malaking tsansa na babalik ang customer at maging regular ko. And what I just said is a lie, of course.
YOU ARE READING
Taming the Vampire
WampiryMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...