* * *
Matapos nilang gunitain ang panloloko nila kay Axel ay nabalot ulit ng nakakabinging katahimikan ang silid ba kinaroroonan ni Aaron at Bernard.
Tinungga ni Bernard ang natitirang laman ng wine bago niya ito ibinagsak sa lamesa. Pinunasan niya ang kanyang labi at saka bumuga ng hangin, "Haaa..." sa tonog pa lang ay maririnig na nasarapan siya rito.
"Kumusta naman ang inutos ko sa'yo?" tanong ni Aaron sa sandaling binitawan niya ang bote at hinarap muli si Bernard.
"It's a success. I did what you told me. I bet his system is slowly decreasing without him noticing it," pahayag ni Bernard.
Bahagya naman na umangat ang kilay ni Aaron nang marinig ang sinabi nito.
"Talaga? Magaling... Paano mo 'yun nagawa?" Alam niya kasi na hindi magiging madali ang pinapagawa niya kay Bernard.
Ngumisi ang binatang bampira. "Guess our past did the work for it to be easy."
"Inilagay mo ba ang capsule sa inumin niya? You really are a sneaky one," komento ni Aaron sa dating nobyo ni Axel.
"I tried to lower his guard. We were just talking and stuff. He won't eat with me obviously, he was basically not letting his guard down so I tried another tactic. I was getting impatient, anyway," kwento niya.
May iba pang pangyayari na naganap sa araw na natagpuan ni Miller si Axel sa loob ng eskinita sa pangalawang beses. May ginawa pa si Bernard kay Axel bago niya ito hinaras.
Noong una ay inakala ni Axel na isa lamang ito sa mga araw na pagtutulungan siya ni Bernard at ng mga tauhan nito. Sa dami ng beses na ginawa ito ni Bernard ay alam na ni Axel kung ano ang dapat gawin, ang saglit na lumaban bago tumakbo. Sasalo siya ng mga ilang sugat bago tumakas at hanapin si Miller para uminom ng dugo para ibalik ang kanyang lakas. Halos nagiging normal na ang ganitong senaryo para sa kanya.
Subalit, lingid sa kanyang kaalaman ay may bagong plano sa kanya ang kanyang amain. Inutusan ni Aaron si Bernard na bigyan ng lason si Axel. Kung hindi ito sasama sa kanila kahit anong gawin nilang pangungumbinsi, at kung mahirap siyang kunin dahil sa galing nitong tumakas. Wala na silang magagawa pa kung hindi ang paslangin ang beta.
Isa si Axel sa asset ng Red Mansion. Siya ang Scientist ng kanilang kalaban. Isa pa, malaki rin ang sakop ng hawak niyang angkan. Si Axel na ata ang maituturing na pinakamalakas at maimpluwensyang beta sa panahon na ito. Alam nila na kung mawawala si Axel ay mahihirapan na kumilos ang kampo ng Supreme. Maliban sa mawawalan ng moral ang halos kalahati ng kanilang puwersa (na pawang mga miyembro ng angkan ng mga Wesley) ay hindi na rin nila malalaman kailan man ang sikreto ng vampirization.
Get rid of Axel Wesley. He is the weakest link. Ito ang utos sa kanila ni Ronaldo.
Weakest link. Paano ba na hindi? Sa bigat pa naman ng nagawa niyang maling desisyon. Sa tindi pa naman ng pagtataksil na kanyang natamo mula sa kanyang amain na itinuring niyang pamilya at ang pagkawala ng kanyang ina. Paano ba na hindi siya manghina?
Kagaya ng mga naunang pagsugod ni Bernard ay inambahan nila si Axel sa daan. Madilim at tahimik ang lugar. Pero imbes na magdala ng mas maraming tauhan ay isa lang ang nasa likod ni Bernard.
"What's this? You ran out of guys?" tanong sa kanya ni Axel nang mapansin ito.
"Maybe yes. Maybe no." Humakbang ng tatlong beses si Bernard palapit kay Axel. Kalahating metro ang layo ng bawat hakbang niya, tila ba nagmamadali siya na malapitan si Axel.
Naalarma naman sa kakaibang pagkilo ng lalaki si Axel. Umatras siya ng dalawang beses. Inihanda na rin niya ang dalang maliit na sandata na laging nasa kanyang bulsa. Isa maliit na foldable knife. Flat at kulay itim ang hawakan na minsan ay inilalagay niya sa kanyang pitaka upang hindi mahalata ni Mateo o ng kahit na sino na kanyang kasama.
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...