CHAPTER TWENTY-EIGHT

15 1 0
                                    

* * *

"My Lord," ani ni Axel sa likod ng pinto ng silid ng Vampire Supreme. Malayo man ay rinig pa rin ng Supreme ang boses ni Axel sanhi ng matalas nitong pandinig.

"Come in, Archer," tugon ng Supreme.

Archer, ang dating pangalan ni Axel ilang daang taon na ang nakaraan. Isa ito sa tatlong pangalan na papalit-palit niyang gamitin. Archer, Ace, at Axel. As sa bawat henerasyon ay may iba't iba silang personalidad at propesyon. Ngunit iisa ng sekreto, at ito ang pagiging bampira.

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Axel sa kanyang pagpasok at kaagad na nagbigy ng impormasyon, "I have talked with the clan leader in Central Visayas. But, he still refused to help us."

"Ano raw ang kanyang rason?" tanong ng Supreme.

May matalas na dulo ng mga mata at makapal na kilay si Maximilian. Ang kanyang labi mapula ngunit may kauntin linya sa gilid nito na mas mapula at halos kulay kayumanggi na. May matangos din siyang ilong at makakapal na pilikmata. Hindi maitatanggi na may edad na ang tunay na anyo ng Supreme, lalo na at higit isang milenyo na siya sa mundo. Gayunpaman ay tulad ng lahat ng bampira ay may kakayahan siyang magpalit ng anyo ay madalas na gamit ang anyo ng isang gwapo at matipunong binata na nasa edad na dalawampu't anim na taong gulang.

"He said they are also having a scarcity of human blood," sagot ni Axel, " The humans are being vigilant with the previous news of death made by Ronaldo's group. And the doctors of the hospitals they are acquainted with refuse to give them more than the amount they originally have as they begin to doubt us."

"He did not wonder why we needed more blood?"

"No, My Lord."

Sa kay tagal ng panahon ay ngayon lang nagkaroon ng kakulangan ng supply ng dugo ang mga bampira na naninirahan sa Red Mansion at mga kalapit nitong clan. Ang clan ay ang tawag sa grupo ng mga bampira na naninirahan sa isang rehiyon sa buong mundo. Nakakalat din dila sa buong Pilipinas at madalas na ang clan leader ay ang piankamatandang miyembro ng pamilya. Hindi kinakailangan na sila ay magkadugo, basta ba at tanggap sila sa grupo. At ang mga taong nasa Red Mansion ay miyembro rin ng iba't ibang clan na nagtipon-tipon para tulungan ang Supreme sa pagbabalanse ng relasyon ng mga bampira sa iba pang nilalang sa mundo.

Subalit, ngayon na ang labanan mismo ay bampira sa bampira ay nagkakaroon ng opresyon pagdating sa supply ng dugo. Nababawasan ng mga hospital na taga-supply ng blood packs ang mga bampira sa capital dahil sa pananakot ni Ronaldo sa mga taong doktor na kasundo ng Supreme. Malamang ay pinagbantaan na niya ang mga ito na gagawing bampira kung ipagpapatuloy ang pakiki-ugnayan kay Maximilian, o mas masama pa ay baka ginawa na niya itong mga bampira.

"Okay. Mukhang wala na tayong magagawa if they are also scarce. Then, how about your experiment? Are there any significant findings?" Pagbabago ng paksa ni Maximilian. Nais niyang makarinig ng bagong balita na papawi sa sakit ng kanyang ulo.

"Recently, I compared two specimens..."

Panimula ni Axel na kaagad naman pinutol ng Supreme. "Oh, yes. You mentioned them, and both are exposed with vampire's essence, am I right?"

"Yes, My Lord," agad niyang tugon, at agresibong dinagdagan ito upang hindi na ulit masingitan pa. "The specimen #1 had passed away yesterday, the assistant informed me. It happened most likely a month after it received the essence. Seems like it experienced an incompatibility with the vampire essence."

Ang specimen na tinutukoy ni Axel ay isang mortal. Ngunit dahil ipinagbabawal ang basta-basta na pagkuha ng mortal para pag-eksperimentuhan dahil labag ito sa moral na ethics sa parehong nilalang – tao man o bampira – ay kumuha si Axel ng taong may nilabag na malaking krimen. Hindi kagaya ng sa mga mortal, may konting pinagkaiba ang mga bampira pagdating sa moral.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now