CHAPTER THIRTY-FOUR

7 0 0
                                    


* * *

"Tapos na ang trabaho ko sa Thailand. Pero may tauhan kang tanga. Hinayaan niyang makatakas ang isa sa mga huli natin." Reklamo ng lalaki na kayumanggi ang balat. May suot siyang putting sando sanhi para bumakat ang malaki niyang braso at dibdib.

Nagbuntong-hininga ang lalaking katabi niya. Hindi kagaya ng unang nagsalita na lalaki ay naka-polo ang sunod na nagsalita. Kulay abo ang kanyang buhok ngunit may parehong ginintuang kayumangging kulay ng balat pa rin.

"Let's just forget about that, okay?" simula niya, "Who knows what happened to that human after it was left in the streets? It is in its last phase of vampirization, and it doesn't seem like a promising one anyway. I'm sure the human died because its body couldn't handle the vampire blood."

"Oh, right. He was one of the several weak ones," sambit naman ni Bernard. "Huh-uh, mamatay na 'yun," salaysay niya na may halong pagtango habang hawak-hawak ang ilalim ng kanyang baba.

"Paano kayo nakakasigurado?" wika ulit ng lalaking unang nagsalita.

"Viktor, humans are weak creatures. They are very feeble that a few days of no food could make them dizzy. They also have a slow regeneration process. They are the lowest of the low," paliwanag naman ng isa na para bang hindi ito alam ni Viktor.

"Indeed.," pagsang-ayon ni Bernard bago tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. "Lowest of the low pero sila naman itong mabilis magparami."

Nag-krus ng mga kamay si Viktor. "Sinasabi niyo lang 'yan dahil ang mga tauhan niyo ang may kasalanan ngayon. Ikaw Gustav!" turo ni Viktor sa lalaking kulay abo ang buhok, "Lalo ka na. Sa kampo mo nanggaling 'yung tatanga-tangang bampira, ano? Dati siyang tao, hindi ba?"

Nag-aalinlangan na ngumiti si Gustav. Hindi rin naman niya kasi maikakaila na may kasalanan nga ang mga tauhan niya. "What can I do about it? They are a little inexperience. They just got used to their new body."

"Hmp!" umiwas ng tingin si Viktor kay Gustav at lumabas na ng kanilang silid.

Sakto naman sa kanyang pag-alis ay nakasalubong niya si Aaron. Hindi siya huminto para bumati. Dumiretso lang siya sa labas na para bang walang nakita.

"Hala ka! You angered the young lady," panunukso ni Bernard habang tumatawa.

"Ano ang ginagawa niyo rito?" Tumigil sa kanyang pagtawa si Bernard at kaagad na inayos ang kanyang damit. "Nasaan ang mga bagong bampira?" dagdag na tanong ni Aaron.

Sa pagpasok ni Aaron ay nagtungo siya sa upuan ni Viktor, isang pula at single-seated na sofa na nasa dulo ng silid. Katabi nito ang isang lamesa na may nakapatong na iba't ibang klase ng vino.

Tumikhim muna si Bernard bago sumagot. "Dumating na po ang mga bagong bampira mula sa Asia at Europe. May iilang alpha na nabuo at ang iba ay mga beta. Karamihan ay mga gamma, napadala na rin namin sila sa kampo ni Paolo. He is still trying to figure out how to produced strong alphas using those weak vampirized." Nagtila tactician ang tono ng boses ni Bernard. Naging mataas ngunit buo ang kanyang boses, nagtunog marangal itong sundalo na sinasagot ang tanong ng kanyang nakatataas na opisyal.

Ang kampo ni Paolo na tinutukoy ni Bernard ay ang lugar kung saan dinadala ang mga mahihinang vampirized na mga tao. Sa madaling salita ay ang mga gamma. Hindi katulad ng alpha at beta na maaari nilang pakinabangan sa digmaan, ay may likas na mahinang pangangatawan ang mga gamma na vampirized na mga tao. Sa sampung mga mortal ay nasa walo ang posibleng gama habang ang natitirang dalawa naman ay maaaring alpha o beta. Sa dami ng bilang ng mga ito ay hindi pwedeng basta-basta na lang nila itapon o paslangin ang mga gamma.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now