CHAPTER SEVENTEEN

14 0 0
                                    

M I L L E R

"One hundred thousand pesos?!" magkahalong gulat at mangha na mutawi ng taga-singil na nakaharap ko ngayon sa opisina ng laundering corporation na pinag-utangan ni Dad. "Saan ka naman galing nito? Sigurado ka ba na ihuhulog mo ito lahat ng isang bagsakan lang?" Inamoy-amoy ng lalaking kalbo ang envelope na may lamang pera na para bang ito ang kauna-unahang pagkakataon niya na makahawak ng ganito kalaki na halaga.

Tumango lang ako bilang sagot sa katanungan niya. "Hindi ba't estudyante ka pa? Alam mo wala rito si Bossing, hindi mo kailangan magpa-impress ng todo-todo kaya pwede mo 'tong bawasan at kumuha ng konti pang tuition mo. Hindi mo kailangan na pilitin ang sarili mo," sulsol nito sa akin.

But then again, it's not like that is the only money I have. May pera pa naman ako galing sa part time job ko at sa trabaho ko sa club. Sakto na 'yun sa pagkain at tuition ko ngayong quarter. Isa pa, ngayon lang ulit ako nakahulog ng tuition sa university cashier na hindi kulang-kulang. I have my scholarship pero hindi pa rin nito covered ang ibang miscellaneous fees at iba pang facilities.

"It's alright. The larger the money I bring here every weekend, the better. I could pay the debts much faster," pangangatwiran ko.

Huminto sa pag-singhot sa pera ang lalaki at seryosong inilapag ang envelope sa lamesa. "Sige. Mukhang determinado ka na rin naman." He then typed something on the computer. Tumakatak ang tunog ng keyboard nito, tapos ay sunod na tumunog ang printer nila. So, they are giving their clients receipts here. Like a proper money laundering corporation.

"'Yan na lahat ng payment history mo ngayong buwan. Ilang beses ka rin na nag-minimum pay sa hulugan nung mga nakaraan mong linggo kaya naman medyo mahaba-haba pa ang bayaran mo, bata," sabi ng matanda habang nakangisi.

"I'll just work harder to shorten the time, then," bulong ko bago tumayo. I don't think he heard me but before I left, I announced, "I'm leaving," to the man.

Mukhang ang mga taga-singil lang sa labas ang may matapang na itsura at siga na karakter. The man here looks more like an accountant than a henchman of a mafia boss. And their record's office has a normal office aura with computers and tons of papers on the table rather than the previous office I entered before during my first time in this building. Mukha kasi 'yung opisina na napabayaan dahil sa mga nakakalat na damit at mga bote ng alak sa paligid.

Linggo ngayon... at nagkaroon ako ng pagkakataon na pumunta sa mismong opisina nila para magbayad. Mahirap na kung sa taga-singil sa labas ko ito ibigay, baka itakbo pa nila ang one hundred thousand ko na literal na dugo at pawis ang binuhos ko.

"Oh, kumusta na kaya 'yung Axel Wesley na 'yun?" Thinking about blood led me to think about him. There's nothing special. I am just curious about what vampires do to be in that state almost thrice a week. Maybe it's just their body's constitution? Since they have all sorts of quirky abilities on them.

I don't know. But what happened last time really surprised me.

Nangyari ito noong isang araw, sa likod ng convenience store na pinagtatrabahuhan ko.

Pagkatapos niya akong hindi pansinin sa lecture nung araw na iyon ay nandoon siya sa convenience store at humihingi ng tulong sa akin. I guess I was not wrong to think that he will eventually come for my aid.

"Kaibigan mo?" tanong sa akin ni EJ na parehong nagulat din sa itsura ni Axel sa mga sandaling iyon.

I glanced at him, and reluctantly whispered, "Not really... an acquaintance," tapos ay bumalik ulit ang tingin ko kay Axel. "Uhm, could you please wait for at least three minutes?" tanong ko habang nakataas ang tatlo kong mga daliri.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now