M I L L E R
It's been three days since the last time I talked with Axel. Pagkatapos nun ay naging madalang na ang pagkikita namin sa university. Hindi na nga niya ako pinapansin sa tuwing nagkakasalubong kami sa hallway o magsabay sa klase namin sa Philosophy. We don't often exchange eye contact. I can't tell if he is ignoring me or he is just preoccupied.
Anyway, kung anuman ang rason niya ay wala na ako roon. Alam ko naman na lalapit din siya sa akin kapag kailangan na niya ang dugo ko. Sa totoo lang mas komportable nga ako sa ganitong set-up. It's more peaceful because no one is following me around. I guess dahil nakuha na niya ang gusto niya, pwede na siyang magpakampante ngayon.
Nasa Philosophy class na naman ako. At para bang bumalik sa normal ang lahat. Para bang hindi nangyari ang nangyari noong gabing 'yun sa bahay ko. Axel is in his usual sit in front of me with his fans surrounding him. Nasa kanya na naman ang atensyon ng lahat. And the usual scene of our professor entering unnoticed came in.
"Let's start!" anunsyo ni Ma'am para lang mapansin siya ng lahat.
The time went as fast as usual. The class went with lectures and a few oral recitations, and ended with another group paper project.
"I have sent you the instructions and the content I want you to contribute, huwag lang sana ang leader ang gagawa. This time make sure to follow them kasi may iba sa inyo na kolelat pa ang scores. For now, you can talk with your groupmates and plan for it during your break time. That's all, goodbye for now class. See you in the next meeting." Ito ang instructions ni Ms. Dy sa amin bago dinismiss ang klase.
Hindi na muna ako tumayo at hinayaan na maubos ang mga tao sa classroom. Since wala naman ang prof namin sa susunod kong lecture ay balak ko pa sana na dito na lang gawin ang project ko sa major. Pero ilang minuto rin ang lumipas ay may pumasok na dalawang estudyante.
"Ah. May lecture ba kayo rito?" I asked.
Saglit muna silang nagtitigan at sinabi na, "Opo. May general subject po kami rito."
Hindi na ako sumagot at niligpit ang gamit ko. I never stayed here after class kaya hindi ko alam na ginagamit pala ang room na ito ng iba.
"E-Excuse me po!" tawag nila sa akin.
Lumingon ako. Hindi pa naman ako lumalayo sa lamesa ko. Napansin ko rin ang kulay green nila na ID sling.
Oh, is this why they keep using formal speech. Mga first year pa pala sila.
"Naiwan niyo po 'to," wika nito sabay abot ng isang card.
Napatitig naman ako sa bagay. "What's that?" tanong ko kahit na alam ko naman na library ID card ito.
"Uhm, library card niyo po... ah," napaatras ang babae sabay sabi ng, "Hindi po ba kayo si Axel Wesley?"
The name caught my attention.
"Oh... I-It's mine. Ako si Axel Wesley," sambit ko at inabot ang library card. "Thanks," ani ko.
"Girl. Ang manly niya!" tili ng isa sa mga babae nung tumalikod na ako.
Walang picture ang ID card namin kaya madali lang magsinungaling tungkol dito. Mukhang hindi rin nila kilala sa personal si Axel. Nasa kabilang building ang mga first year, three buildings away from ours, kaya hindi na nakakagulat kung hindi pa nila nakikita si Axel.
"Woah! Totoo nga ang mga chika nila!" rinig kong sambit ng isa sa kanila sa sandaling tumalikod na ako. "Ang gwapo nga talaga ni Axel," she added much more carefully na halos ibulong na niya ito.
"Pero hindi ko masyadong inaasahan 'yung itsura niya. Gwapo naman talaga siya like super gwapo pero base sa mga naririnig ko he is more like the beautiful-handsome type na guy."
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampirMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...