CHAPTER TWENTY-FOUR

5 0 0
                                    

M I L L E R

After what happened the other day my everyday life has gone more chaotic than before. Axel– I mean, Kristoff (na nagpapanggap pa rin bilang si Axel Wesley) and I are hanging out at the university. Hindi man masyadong madalas, pero tiyak na mas madalas kaysa sa amin noon ng tunay na Axel. Although, he is still hanging out with his classmates on the other classes sa mga araw na hindi kami pareho ng lecture.

Ang weird lang sa pakiramdam na katabi sa lamesa ang doppelgänger ni Axel. Lalo na kung magsalita ito. Kristoff speaks in high pitch and is always smiling. Malayong-malayo. Sobrang layo sa Axel na kasama ko araw-araw sa iisang bubong. By the way, Sabado ngayon. Bumalik ang sa boarding house ko para makahinga naman ng maluwag mula sa tensyon sa condominium ni Axel.

I am currently on the way to the host club. Duty ko na naman. Naglalakad ako habang ine-enjoy ang malamig na simoy ng hangin sa gabi, sa kabila ng dagsa ng mga tao.

Ilang minuto na lang at malapit na ako sa club nang may tumabing sasakyan sa akin.

Kagaya ko ay napalingon din ang mga kasabayan ko sa daan. They look all confused dahil hindi naman parking area ang daan na ito. But for me, this is no longer new. Sa gara pa lang ng sasakyan ay mapapalingon din naman talaga ang lahat.

Smooth na bumaba ang salamin ng bintana ng sasakyan at sumilip mula sa loob si Axel.

"Get in," aniya.

"Why—Suddenly..."

"Just get in."

Luminga-linga ako. Sa totoo lang ay ayaw ko talaga na pumasok kaso naisip ko lang na ang arte ko naman kung hanggang ngayon ay aangal pa rin ako sa ganitong sitwasyon. I mean, I've been staying in this guy's house so why make a fuss about riding his car?

Ugh. I am strangely getting used to this vampire's presence.

"What do you want?" I asked, slightly annoyed by the thing I just thought.

Hindi pa man ako tapos na mainis, pero sumagot naman si Axel ng, "Let me have a sip of your blood."

Woah. I can't with this guy. How easily can he change my mood? Ngayon hindi na lang ako naiinis, gulat, at... nag-aalala na rin ako. And I don't even know why I should feel the latter.

"Woah. I did not expect that. Nakasakay ka sa kotse mo at hindi nag-teteleport kaya akala ko kung ano na ang sadya mo—teka..." panimula ko na may balak sana na iparamdam sa kanya ang inis ko nang may mapagtanto ako. I scanned him from top to bottom and asked, "Why do you want to drink blood? Don't tell me your ex-lover harassed you again?"

Sa pagkakaalam ko kasi ay sa mga ganitong sitwasyon lang siya nanghihingi ng dugo sa akin. Based on what I witnessed, I am pretty sure that that man keeps chasing him.

"No. Of course not," tanggi ni Axel.

"So, galing ka na naman sa away?" hula ko. "Don't tell me you have a huge wound somewhere in your bod—"

"Hey, stop it. My ex did not harass me and his goons didn't come after me today. Stop acting as if I am a problematic kid who's always involved in a delinquent fight. Minamaliit mo ang sitwasyon ko," pahayag niya na hindi lang magka-salubong ang mga kilay kung hindi ay nakanguso rin ang labi. Mukhang tagumpay ako sa parte na gusto siyang inisin. Hindi ko rin inaasahan na makita siyang magmaktol.

And how will I know about his situation if he keeps refusing to tell me about it?

Oh, it's rare for him to speak in a language besides English. I thought he was completely foreign in Tagalog, but his accent is pretty good.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now