Careen Harley Point of View
"Hey.!" Tinignan ko ang taong kakapasok lang ng opisina ko.
"Andito ka na naman? Anong kailangan mo?" I asked him. Parang wala pang 100 minutes mula ng lumabas s'ya kanina. Ano nanamang kailangan ng isang 'to.
"Hmm. I brought you a juice." Tinignan ko ang hawak hawak n'yang baso.
Hmm. Pineapple juice. 'Saka ako tumingin sa kan'ya. May mali e. Malakas ang pakiramdam ko na pinagti-tripan lang ako nang isang 'to. Hindi kaya may lason 'to?
"Ayaw mo ba?"
"May lason ba 'yan?" sa halip ay tanong ko. Aba baka mamaya kaya pala ako binigyan kanina ng lalaking 'to ng maraming pagkain tapos may cake pa 'e 'yun pala mamaya bibitayin na ko ng isang 'to.
"Wala Pfft.. Ano ka ba naman." He said at pilit na pinipigilan ang tawa n'ya. "Sa tingin mo ba papatayin kita?"
"Oo." mabilis kong sagot.
"Walang lason 'yan. Kung 'yon ang inaalala mo."
Kinuha ko mula sa kamay n'ya 'yung juice. Tumikim ako ng konti at nag-intay kung unti-unti akong mawawalan ng hininga o manlalambot ako at mamamanhid ang buong katawan ko pero walang ganoong nangyari.
This time kampanye na akong uminom ng mapansin ko na nakatingin s'ya sa juice ko.
"Gusto mo ba?" I asked him. Matigas naman s'yang umiling.
"No, thanks."
"Hindi, okay lang sa'kin kung gusto mo. Saglit at ipagsasalin kita sa baso." sabi ko at tumayo sa pagkaka-upo. Pero napatigil ako ng harangan n'ya 'ko.
"Ayoko talaga. Ayos lang." O-kay. Hindi ko naman s'ya pinipilit. Bumalik ako sa pagkakaupo ko.
"Dapat nagdala ka na 'rin ng tinapay. Para naman kumpleto na diba?" napatawa naman s'ya sa sinabi ko. "Totoo, next time na dadalhan mo ko ng juice dagdagan mo ng tinapay para full package."
"Sige, next time."
"Good." I said at ininom ko na lahat ng natitira sa baso ko.
"Masarap?"
"Hindi ba lahat naman ng juice pare-pareho ang lasa?" napatango naman s'ya. "Edi ganun pa rin 'yung lasa." I told him.
Minutes past pero nanatili pa 'rin s'ya sa p'westo n'ya. I started to feel uncomfortable.
"Hindi ka pa ba aalis?" I asked him pero nanatili pa 'rin s'yang nakatitig sa'kin.
"Ha?"
"Tsk. tsk. nag-uumpisa ka nang ma-inlove sa'kin 'no?" I teased him. Napansin ko namang namula s'ya kaya mas ginanahan akong asarin s'ya. "Alam mo bang may kakaiba akong talent?" I said habang pa-simple akong nakangiti.
"A talent? You have a talent?" nag-umpisang kumulo ang dugo ko sa tanong n'ya.
"Gago ka! Umayos kang tarantado ka."
"Bakit?" 'yung klase ng pagtatanong n'ya parang hindi n'ya talaga alam kung bakit.
"E kasi 'yung pagkakasabi mo parang wala akong talent e. Nakakaoffend ka alam mo 'yon."
"That's not what I meant."
"Okay. fine. Oo may talent ako. AT. At hindi basta-bastang talent lang 'to 'a."
"Sige ano bang klaseng talent 'yan." natatawa-tawa n'yang sabi.'Ha, akala mo nakikipaglokohan ako ha.'
"I can make fall in love with me." napangiti ako sa kalokohan ko.
BINABASA MO ANG
A Step To Farewell {Mini Series}
RomanceMeet Tisay. Ang babaeng malambot ang puso sa mga assistant na may sayad at mga hayop na kulang ang paa. Let us join her in all the dissapointments she will encounter. She only has one question for you: Are you brave enough?