*****
Careen Harley Point of View"Tisay, andito ka pa?" napatingin ako sa taong nagsalita. Si Jansen. It's already 3 PM.
"Bakit?" I innocently asked
"Hindi ka pa ba uuwi? Lahat sila nagsi-uwian na a'. " Napakunot ang nok ko sa narinig ko.
"At bakit daw?" nakapameywan kong sabi. Aba naman. Bakit sila nag-siuwian na may paparating bang bagyo at hindi ako na'inform o baka naman may biglang holiday.
"Kasi naman po. May annivesary party mamaya ang New Millenium. Nakalimutan mo na agad? Aba. Puro ka kasi trabaho."
"Ayaw mo n'on. Worth it ang ibinibigay mo sa'king sahod."
"Oo na. Nahiya naman kami sa'yo Ma'am."
"Ano ako teacher?" tanong ko at pinatay ang computer. "Anong oras nga pala 'yung party?"
"7 PM but be there as early as you can." nagtataka naman akong napatingin sa kan'ya.
"Aba, party na nga over time pa."
Napatawa naman s'ya sa sinabi ko. Kinuha ko ang bag ko at naglakad na papalabas ng opisina sumunod namna s'ya sa'kin. At sabay kaming sumakay ng elevator.
"Susunduin mo ba 'ko mamaya?" tanong ko sa kan'ya.
"Oo, bakit?"
"Balak ko sanang magdala ng sasakyan e. Kasi kasama ko si Angge at Mamu."
"So, hindi ka sasabay sa'kin?"
"Hindi marunong mag-drive si Angge." sa halip ay sagot ko. Tumango namna s'ya.
*****
"Nakawan kaya natin sila?" napatingin sa'kin si Mamu at Angge.
"Sige. Payag ako d'yan. Kunin natin 'yung mga wallet nila." pagsegunda ni Angge sa'kin.
"Sige magdadala ako ng malaking bag. Pero paano?" sabi naman ni Mamu.
"Simple lang. Kukuha ng hostage si Tisay at tututukan n'ya ng kutsilyo sa leeg. Tapos sa magkabilang gilid tayo Mamu at magpapapasa ng bag at doon nila ilalagay ang mga wallet nila." napatango ako sa idea ni Angge. In fairness. Pwede na rin.
"Isama mo na pati susi ng sasakyan. Para walang makaka-alis."
"Pati 'yung mga babae?"
"Oo. Kunin natin lahat ng laman ng bulsa ng mga babae't lalaki." natatawang sabi ni Mamu.
"Pati sapatos para walang maka-takbo." sabi ko naman.
"Sige lahat ng laman ng bulsa at sapatos."
"Pati cellphone para walang makahingi ng tulong."
"Kunin din kaya nati yung mga damit na suot nila?"
"Gaga, matagal 'yon. Mabilisang kilos dapat."
"Malaki laking sako ang kailangan natin d'yan." sabi pa ni Mamu.
"Isasama natin 'yung hostage."
"Edi, nalaman n'ya kung saan tayo pupunta? Tanga nito." sabi ko.
"E, anong gagawin natin sa kanya?"
"Isasama tapos ibababa natin sa highway."
"Tanga marami s'yang mahihingian ng tulong do'n."
"Anong gusto patayin natin? Ha?" tanong ni Angge sa'kin.
"Ang gulo kasi ng plano e." binatukan ako ni Angge.
"Nagmumunimuni lang naman kami ni Mamu ikaw namna tinototoo mo." sabi n'ya sabay inom ng wine.
BINABASA MO ANG
A Step To Farewell {Mini Series}
RomanceMeet Tisay. Ang babaeng malambot ang puso sa mga assistant na may sayad at mga hayop na kulang ang paa. Let us join her in all the dissapointments she will encounter. She only has one question for you: Are you brave enough?