Chapter 16

2 1 0
                                    

Jansen Kendrick Uytengco Point of View

"Hi Alena!" Bati ko kay Alena na ngayon ay kasalukuyang nagpapahid ng kung ano-ano sa mukha n'ya. "Nand'yan ba si Ms. Harley?"

Wala namang kasi sa'kin 'yon. Maayos naman kasi s'ya magtrabaho. At med'yo matino. Jusko, kakampi n'yan si Tisay kaya hindi ko mapagsabihan minsan kapag hindi n'ya alam ang ginagawa n'ya. Paano, nakakatanggap ako ng malutong na mura at mga hampas kay Tisay. Pero gusto ko rin s'ya as a secretary. Walang arte. Hindi rin malandi o kahit mataray. Inosente pa nga 'yan kaya palaging napapagtripan ni Ivo.

"Good Morning Mr. Uytengco. Opo, nand'yan po si Ma'am Harley sa loob."

"Busy ba s'ya?" Tanong ko. Although p'wede naman akong pumasok and check it out for my self. Pero, wala lang trip ko lang.

"May kausap lang po sa phone." Sabi n'ya.

Napa-isip naman ako. May kausap? Sa phone? E, hindi naman nakikipagtelebabad si Tisay sa telepono, kuripot 'yon. Baka naman 'yung landline ang gamit n'ya. Importante 'ata.

"Baka importante 'yung call, bavalik na lang ako." I rose my feet to leave ng mapatigil ako sa sinabi n'ya.

"Hindi po. Aragon Inc. lang 'yun."

"Aragon?" Nagulat ako sa narinig ko. Aragon Inc. Ang pinakamalaking kompan'ya na nagma-manufacture ng computer hardware sa France.

"Opo."

Wala akong balak na istorbohin ang pakikipag-usap ni Tisay sa sinumang tauhan ng nasabing kompan'ya. Napakalaking kompan'ya ng Aragon Inc. at siguradong lalaki ang New Millenium kung makukuha nila ang suporta nito.

Sumilip ako sa opisina ni Tisay, kinakabahan ako. Baka mamaya kung ano anong pinagsasabin ni Tisay doon. Aba, mahirap na. Nakita ko na may kausap nga s'ya sa landline. Dahan-dahan kong binuksan ang glass door at iniwasang makagawa ng ingay. Pero napansin ako ni Tisay dahil hindi ako likas na magaling sa mga agent moves. (Wtf.)

Tinignan n'ya ako at itinaas nito ang kamay na para bang sinasabing ma-upo muna ako. Sumenyas naman ako at bumulong. "Take your time." Tumango lang s'ya.

Nakita kong kumuha s'ya ng papel at nagsimulang magsulat habang nakadikit pa 'rin ang telepono sa tenga n'ya. Itinaas nito ang papel at ipinakita sa kan'ya ang salitang ARAGON.

At dahil dakila akong tsismoso. Inumpisahan kong makinig ng usapan nila.

"C'est notre plaisir de vous avoir ici. Nous avons plusieurs propositions d'affaires par lésquelles vous pourriez étre intéressés."

Nanigas ako sa kinauupuan konng marinig ko s'yang magsalita. Parang sanay na sanay na s'yang magsalita gamit ang lengwaheng 'yon na para bang araw-araw n'yang ginagamit ito. Dirediretso. Walang palya.

"Nous nous attendrons à vous jeudi alors?" Patuloy pa n'ya. "Merci tellement."

Ang language na 'yon. French, sigurado ako.

"Bonne journée." Sabi pa ni Tisay bago inilapag ang reciever sa cradle.

French? Marunong magsalita ng French si Tisay? Grabe, imposible.

"Boss, dadating sa Thursday ang entourage ng Aragon. May proposal sila -- equity partnership sa construction ng isang high - rise building sa Libis." Balita ni Tisay sa kan'ya.

"Marunong kang mag-French?" Imbes ay tanong ko.

"Hindi naman mas'yado."

"Half-french ako, Tisay." Sabi ko bilang patunay na alam ko kung ano ang sinasabi ko at naiintindihan ko lahat ng sinabi n'ya kanina.

A Step To Farewell {Mini Series}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon