Chapter 14

6 3 0
                                    

Jansen Kendrick Uytengco Point of View

"GOOD MORNING !!" masayang bati ko kay Tisay na ngayon ay nakahiga pa 'rin sa kama.

Ala-una na ng tanghali pero nakahiga pa rin s'ya. Ganito ba talaga ang taong 'to? Kanina ko pa s'ya inaantay magising pero wala pa rin. Para s'yang hindi nakatulog ng ilang araw sa himbing ng tulog n'ya ngayon.

"Walang maganda sa umaga. Tanga." sabi n'ya at nag-inat pa. Naglakad na s'ya pababa ng hagdan kaya naman sumunod ako. "Anong oras na ba?"

"Hmm. Mga ala-una." sabi ko habang nakahawak sa baba ko.

"Puta. Saan banda ang morning do'n?" sabi n'ya at tinignan ako ng masama.

"Ang aga aga maka-mura ka."

Naglakad ako papunta sa kusina at tinanggal ang pagkakatakil sa mga pagkain.

"Nagluto ka?" tumango naman ako. Naglakad ako papunta sa lababo para maghugas ng kamay. S'ya naman ay pumasok sa CR.

"Ayos lang naman sa'kin ang tinapay bilang first meal." sabi n'ya pagkalabas ng CR.

"Pwes, sa'kin hindi. Hindi ka pa nag-aalmusal at tanghalian kaya kumain ka ng kanin." I said habang pinaglalagay s'ya ng kanin sa plato n'ya.

"Ano 'yan?" tanong n'ya habang nakaturo sa soup na nasa lamesa.

"Mushroom soup." simpleng sabi ko at naglagay na rin ng kanin sa plato ko.

"Mushroom?"

"Oo, bakit?"

"Mushroom tapos chapsouy?" she said at tinuro pa ang dalawang klase ng pagkain na nasa lamesa.

"Oo nga, bakit ba?" tumungo s'ya at napakagat sa labi n'ya.

Problema ng isang 'to?

"Hindi ako kumakain ng gulay." narinig kong bulong n'ya. "Pangit ang lasa." dagdag pa n'ya.

Seryoso ba 'tong taong 'to? Hindi s'ya kumakain ng gulay? Nakahithit 'ata 'to ng gasul.

"At bakit?" pagsusungit ko.

Saan ka ba naman kasi makakakita ng taong hindi kumakain ng gulay? Aba, ano 'yun puro karne lang? Ano s'ya Canibal?

"BASTA AYOKO." nagulat ako ng sumigaw s'ya.

Ang hilig talaga nitong sumigaw. Akala mo palagi may nilalakong kung ano sa palengke e.

"Okay. Hindi mo kailangang sumigaw. Kung ayaw mo ng gulay mag soup ka na lang." sabi ko at tinuro ang mushroom soup sa ibabaw ng lamesa.

Ipaglalagay ko na sana s'ya ng mangkok ng bigla akong mapatigil sa sinabi n'ya.

"Ayoko. Hindi ako kumakain n'yan." takang-taka akong napatingin sa kan'ya.

Hindi s'ya kumakain ng soup? Ano bang klaseng nilalang 'to?

"Hindi ka na nga kakain ng gulay hindi ka pa kakain ng soup. No way, hindi ako papayag." sabi ko at tuliyan ko nang nalagyan ng soup ang mangkok na nasa tabi ng plato n'ya.

"Kain." utos ko at nag-umpisa na akong kumain.

Nakita ko naman s'yang napasimangot pero hindi ko na lang pinansin. Sumubo s'ya at muntik na akong matawa sa facial expression n'ya.

Hindi mo malaman kung nasusuka s'ya o natatae dahil pilit n'yang nilunok ang slup na nasa bibig n'ya pagkatapos ay inubos ang isang baso ng tubig na nasa tabi n'ya.

Napa-iling na lang ako.

*****

"Ang liit naman ng pagkakahiwa mo." she said habang pinapanood akong hiwain ang mga hotdogs na nasa ibabaw.ng lamesa.

A Step To Farewell {Mini Series}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon