*****
*Ding dong
Narinig kong tunog ng door bell nagmamadali akong lumabas ng bahay para buksan ang gate.
Pagkabukas na pagkabukas ko ay nagmamadaling pumasok si Jansen sa bahay. Feel at home ang gago. Walang pakundangang umupo sa lamesa at nag-umpisang kumain. Langya naman.
"Hoy, Bakit ka nandito. Ang aga aga pa a." sabi ko sabay tingin sa wall clock.
9 AM. Tinanghali na pala ako ng gising.
"Nag-leave ka?" tanong n'ya sakin
"Nag-birthday leave ako. Hindi ako nakapag-leave kahapon e." sabi at binuksan ang TV pinindot ko ang channel 3 at tumambad sakin ang palabas na Rabbit Invasion.
"Ah, anong gagawin mo dito?" napatingin ako sa kan'ya.
"Malay."
Naglakad ako papuntang kusina at binuksan ang ref wala na pala akong stock ng pagkain.
"Samahan mo ko." sabi ko san'kaya napalingon s'ya sakin. Habang naka-upo sa may sofa. Nakapatong pa ang paa sa center table.
"Saan?" sabi n'ya at sumubo uli.
"Grocery."
"Sige."
Pagkarinig na pagkarinig ko sa sagot n'ya ay nagmamadali akong umakyat at kumuha ng damit para maligo.
*****
"Ano bang mas masarap? Flakes in oil or Hot and spicy?" sabi ko habang hawak hawak ang dalawang century tuna sa magkabila kong kamay.
"Hindi ba mamantika 'yan?" tanong n'ya at tumango ako. "Wag 'yan." sabi n'ya sabay tulak sa cart. Kanina pa s'ya gan'yan wala pang laman 'yung cart namin kahit isa dahil inuna namin ang canned foods section.
Napadaan kami sa mga sardinas at may nabasa ako kaya naman kinulbit ko s'ya. "Hoy, Jansen. Ang baho mo na. MaLIGO ka na daw." sabi ko at pinakita ko pa sa kanya ang ligo sardines.
"Ah, Ganun ha?"
Naglakad kami at napunta sa bread station. "Wait itong tasty." sabi n'ya at naglagay ng dalawang balot ng tasty sa cart.
"Gusto ko ng palaman." I murmur.
"Anong palaman?"
"Peanut Butter? Yema? Hmm. Nutella na lang." sabi ko sabay kuha ng isang malaking nutella. "Ay, wait baka kulang." sabi ko at kumuha pa ulit ng isa pa.
"Papapakin mo lang 'yan e." sabi n'ya sa'kin.
"Hayaan mo na."
Naglakad kami papunta sa frozen foods.
"Wow, parang gusto ko ng chicken nuggets." I said at kumuha ng tatlong kilo ng chicken nuggets.
"Mauubos mo ba 'yan?" tumango naman ako. Naglagay rin ako ng isang kilong hotdog at apat na kilong french fries.
"Gusto mo ng ice cream?" tanong n'ya sakin. Tumango namna ako at naglagay s'ya ng 3 galong ice cream.
Naglakad kami papunta don sa mga may sabon. Nagulat ako ng higitin ako no Jansen. "Sinong ka-love team ni Alden?" tanong n'ya sa'kin.
"Si Maine."
"Mali si Yaya DOVE." at ipinakita n'ya ang sabong dove.
"HA HA HA. Ang corny" sabi ko sabay irap. Napakamot naman s'ya sa ulo n'ya. Ang cute.
This time ako naman ang humigit sa kan'ya. "Sinong babaeng artista ang may crush kay Daniel Padilla. Clue : ka-love team s'ya ni Alden."
"Si Yaya Dub."
BINABASA MO ANG
A Step To Farewell {Mini Series}
RomanceMeet Tisay. Ang babaeng malambot ang puso sa mga assistant na may sayad at mga hayop na kulang ang paa. Let us join her in all the dissapointments she will encounter. She only has one question for you: Are you brave enough?