Chapter 10

11 4 0
                                    


Careen Harley Point of View

Muntik muntikan ko ng maihampas ang files na hawak-hawak ko sa ka 'ya ng marinig ko ang sinabi n'ya. Ang kapal ha. Parang gusto ko s'yang maging boyfriend a'. Tapos ang bilis pa ng pagkakasabi. Peste talaga s'ya.

Nakasakay ako sa elevator ng mag-ring ang cellphone ko. Napatingin sa'kin ang ibang tao na nakasakay sa elevator ng makita nilang inilabas ko ang phone ko. Ang iba ay natatawa at ang iba naman ay napapa-iling na lang. Kung p'wede lang talaga akong maghasik ng lagim dito. Matagal ko ng ginawa.

Hinawakan ko ang phone gamit ang dalawang kamay. Mahirap na baka magkalas kalas ng wala sa oras. "Hello?"

"Bakla, asan ka?"

"Nasa opisina, bakit?"

"Cut OT ka?"

"Hindi ko pa sure e. Madami kasi akong gagawin."

"Gaga. Mag-cut OT ka."

"At bakit aber? Boss kita? boss?"

"Sige na. Pustahan tayo nakalimutan mo na kung anong araw ngayon."

"Thursday?" natatawa kong tanong.

"Gagi. Birthday mo lang naman po."

"Birthday ko? Talaga? Hindi ako na-inform."

"Puro ka kasi work. Dali, dito ka dumeretso kina Tita Star. Ipinaghanda ka namin."

"May lobo?"

"May clown."

"Magmamagic daw s'ya?" pangagatong ko sa kalokoha  ni Angge.

"Oo daw."

"Pakisabi inatayin ako. Hahaha." sabi ko at pinatayan na s'ya. Bumukas ang elevator sa ground floor. Napahinto ako sa loob. It's either uuwi ako o aakyat ako at makakakita ako ng impakto. Pili Careen. Pili.

Napatingin ako sa mga files na hawak ko. Kailangan ko pa rin umakyat. Ano ba naman 'yan. Mag-uumpisa na saba akong maglakad pabalik sa elevator bg makita ko si Ivo na kakapasok lang ng kompanya. Bakit ngayon lang 'to? Baka nagkaroon ng lunch meeting. Hindi ako nagdalawang isip at walang pakundangang sumigaw sa may lobby.

"IVO!" sigaw ko at naglakad papalapit sa kan'ya.

"Bakit?"

"Aakyat ka?" tanong ko sa kan'ya.

"Oo, pupunta ako kay Jansen andoon daw si Sandra e. Sasabay ka? Halika na." Si kilala rin n'ya 'yung babae.

"Hindi na. Makikisuyo sana ako. Pakidala naman 'to sa table ko at mauuna na 'ko." inabot ko sa kan'ya 'yung mga papel na hawak ko pero hindi n'ya 'yon kinuha.

"Ipapahawak mo sa'kin 'yan?" nandidiri n'yang tanong. Ang OA bg isang 'to. Pinairal na naman ang pagiging cleab freak n'ya.

"Wag kang maarte. Buhusan mo na lang ng alcohol 'to kung gusto mo, para siguradong malinis." sabi ko at pilit na inabot sa kan'ya ang mga papel na hawak ko pero hindi pa rin n'ya 'yon kinukuha.

"Ikaw na lang." pag-iinarte pa n'ya.

"Kukunin mo o ipopokpok ko sa ulo mo." pagbabanta ko peri hindi pa rin n'ya kinuha. Kaya naka-isip ako ng panibagong idea. "Alam mo bang ito 'yung report ng marketing sales natin for last week?" umiling pa rin s'ya. "Original copy 'to. Wala pang back-up copy." nakangiti pa rin ako habang sinasabi 'yon pero umiling lang ulit s'ya.

Inayos ko ang pagkakapatas sa sahig ng mga papeles na hawak ko. Takang taka naman s'yang tumingin sa'kin. "Anong ginagawa mo?"

"Sabi ni Macky kailangan na raw n'ya 'yan mamayang 2 PM para sa presentation. Pakibigay na lang a'." sabi ko at nagtatakbo papalabas ng kumpanya nariniv ko pa ang sigaw n'ya.

A Step To Farewell {Mini Series}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon