Chapter 17

3 2 0
                                    

Jansen Kendrick Uytengco Point of View

"Bakit ba kasi aalis ka pa? Alam mo bang mas masaya magtrabaho sa sarili mong bayan. Mas magaan sa loob. Hindi 'yung magta-trabaho ka para sa ibang lahi." Pilit kong ipinaliliwanag sa kan'ya ang kabutihang dulot ng pananatili sa bansa. Pero s'ya? Deadma.

Apat na araw na lang mula ngayon lilipad na s'ya paalis ng bansa. Kung bakit kasi kailangan pa n'yang umalis. Mas maganda dito sa Pilipinas.

"Hoy, makinig ka. Isipin mo kapag dito ka nagtrabho sa Pilipinas hindi ka malalayo sa mga mahal mo sa buhay at 'saka matutulungan mo pang umunlad ang bansa natin." Sabi ko hababg nag-da drive.

"Madaming tao sa Pilipinas at hindi sapat ang salitang 'ako' para umunlad ang bansa." Sabi n'ya habang patuloy sa pagce-cellphone. Kanina pa kami ganito. Kakausapin ko s'ya at s'ya naman deadma lang. Kanina pa mula ng sinundo ko s'ya.

Ayoko s'yang umalis. Kaya kanina ko pa ipinapaliwanag kung ano ang magandang dulot sa pananatili sa bansa.

Hindi ko alam kung bakit sa tagal tagal ng panahong ginugol ko sa pakikisama at pakikipag-date sa iba't ibang babae, ngayon lang ako hindi nakaramdam ng pangangailangan na maging alerto sa baqat kilos ko.

Sa mga naging girlfriends ko kasi noon, kinakailangan kong mag-exert ng napakadaming effort. Lahat ng kilos ko dapat iakyat sa intensity. Dapat extra caring, more gentle, super nice, mega understanding at ultra galante. Pero kay Tisay, hindi kailangan ng extra effort. Natural lang.

Bumaba s'ya sa sasakyan pagkadating na pagkadating namin sa opisina. "Tisay, isipin mo. Kapag umalis ka paano si Yaya Star?"

"Kaya n'ya ang sarili n'ya." Sabi n'ya at nagtuloy tuloy papasok. Ano ba ito?

*****

"Hoy, ikahon mo 'to. 'Wag kang tamad." Narinig kong sabi ni Tisay.

"Akin na nga." Sagot ko. "Bakit naman kasi napakaraming gamit."

Kasalukuyang nagliligpit ng gamit si Tisay at Alena. Ako naman, wala tambay. Ikinakahon nilang dalawa ang napakaraming dokumento, kung ano-anong papeles at samu't saring mga abubot ni Tisay para madali ang magiging paghakot nito ng mga gamit.

Tuwing naiisip ko na apat na araw na lang ay aalis na s'ya parang gusto ko s'ya yakapin at itago hanggang sa lumipad ang eroplano papalayo para hindi na s'ya makaalis. Dalawang araw mula ngayon ay may magaganap na party sa New Millenium invited ang lahat ng tauhan sa kompan'ya. At ang araw ring 'yon ay birthday ko. Walang nakakaalam, at umaasa ako na sana pagbigyan n'ya ako sa hiling ko.

"Ang dami ko nang naikahon, anim na estatwa pa lang ng anghel ang naitatago n'ya. Kwento ni Tisay kay Alena.

"Ang dami naman kasing kengkoy dito sa k'warto n'yo, Ma'am." Sagot ni Alena.

"Parang malinis ang mesa mo, ah." Hirit pa ni Tisay.

"Mas malala 'tong sa inyo. Parang eskaparate ng SM Megamall 'tong cabinet n'yo, eh. Ang daming figurines!" Sabi pa ni Alena na exaggerated na nagkumpas ng kamay.

"Bruha ka! Kalahati n'yan galing sa'yo!"

Napahawak sa bibig n'ya si Alena. "Ay, oo nga naman."

Tumawa ako. "Ako na maglalagay niyang mga file folders sa box. Mabigat 'yan."

"Mabuti naman at mapapakinabangan ka." Hirit pa sa'kin ni Tisay. Sinimulan ulit ni Tisayang pagbibilin kay Alena.

"Alena, lahat ng files ay nandito na sa filing cabinet, ha. Sunod-sunod 'yan. 'Yung mga memo, naka-save sa PC ko. Pag may kailangan ka hanapin mo lang do'n okay?

A Step To Farewell {Mini Series}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon