Chapter 15

11 3 0
                                    

Jansen Kendrick Uytengco Point of View

"I haven't seen Careen all day." He said at pabagsak na umupo sa visitor's chair ko dito sa loob ng office.

"Yeah, naka-leave s'ya?" Simpleng sabi ko habang hindi inalis ang mata ko slsa papel na binabasa ko.

"Leave is she sick?" Sinamaan ko ng tingin si Ivo. Why do he even care? Kelan pa sila naging close?

"No, I called her this morning she's busy packing her things dahil may girl's night out daw sila ni Angge ngayon tapos magsho-shopping sila over the weekend" 

Nakita ko s'ya na napahawak sa baba n'ya. Minsan talaga may pagkakataon na ang sarap sipain ni Primo. Bakit? Wala lang. Feel ko lang.

"Oww. Shopping expedition? Good for her!" 

Tinignan ko ulit s'ya ng masama. Anong good for her? Masaya s'ya na wala si Tisay? Pwes ako hondi. Peste 'to.

"She needs to unwind." He added.

Yeah. Sort of. 

"You called her this morning you said?" I nod as an answer.

"I needed some files kaya ako timawag kasi s'ya 'yung nagtago n'on. As if I had a choice." I heard him chuckle at tumango tango pa s'ya.

But I knew Ivo so much. And I'm not a foll para sabihing naniwala s'ya sa sinasabi ko. If I know kung ano-ano ang iniisip n'ya ngayon.

"It's true." I defend.

"Haha. Dude I knew you. Last time kitang nakita na ganito is when you we're starting to handle the New Millenium. You have so many plans, you're excited pero naglaho lahat ng 'yon after a month. I mean not totally nand'yan parin 'yung drive pero hindi na kagaya ng dati. You know, yes you mingle, you date, you live your life. But not as happy as this. These past few weeks you seem starting again. And finally you're back." 

Napatigil ako dahil sa sinabi n'ya. 

"That's a pure crap dude!"

"No, Jansen stop being indenial. You like Tisay. I know you do."

Ano daw? I like her? Pati ba naman si Ivo?! 

"Teka, bakit nasama s'ya sa usapan?"

He just shrug. "Sige ka, ikaw din. Maganda si Tisay. At madaming lalaking nag-aabang sa kan'ya. Ikaw din." pang-aasar pa n'ya bago lumabas ng opisina.

He see Tisay as a beautiful person? Teka, may gusto ba s'ya kay Tisay?! At anon ibig n'yang sabihin d'on sa 'madaming lalaki ang nag-aabang kay Tisay?!' Don't tell me isa s'ya sa mga 'yon?

"HOY! ANONG IBIG MONG SABIHIN?! IVO BUMALIK KA NGA DITO NAG-UUSAP PA TAYO" I shoute at nag-tuloy tuloy lang s'ya palabas na parang hindi ako narinig.

Peste ka. Primo!

*****

Careen Harley Point of View

"BAKLAAAA!!" pambungad na bati sa'kin ni Angge. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay n'ya.

"SHIELD!!" sigaw ko pabalik at iniwasan ang mga kamay n'ya na nakabukas para mayakap ako.

"Bruha, ka talaga!" sabi pa n'ya at hinampas ako gamit ang makalyo n'yang kamay. "Kamusta ka na?" tanong n'ya.

"Ito, humihinga pa 'rin." sabi ko at ipinatong ang bag ko sa may sofa.

"Hindi naman totally ikaw ang tinatanong ko. Kundi kayo ni Jansen. Anong meron?" tinignan ko s'ya ng masama. 

At bakit nasama si Jansen dito?!

"Wala. As in waley."

"Anong waley?! Wala bang lumelevel up sa relationship n'yo? Still friends?" napakunot ang noo ko sa tanong n'ya. Ano bang ibig sabihin ng tarantadong baklang 'to?

"Alin sa wala ang hindi mo maintindihan?!"

"Doon banda sa salitang wala!" nakakatangang sabi n'ya. "Grabe, bakla. Ang bagal talaga kumilos n'yang boylet mo." sabi ni Angge at tinulungan akong ilabas lahat ng gamit na dala dala ko.

"Anong boylet? Excuse me. Hindi ko boylet si Jansen." sabi ko habang nakapameywang sa harapan n'ya.

"Excuse me ka rin. Mas'yado kayong pa-showbiz ni Jansen 'no. 'Dun din naman ang bagsak n'yo bakit n'yo pa pinapatagal?" nag-make face na lang ako dahil sa sinabi ni Angge.

"Ewan ko sayo." nasabi ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan.

May lahing pagkamakulit din kasi 'yan si Angge. Hindi ka n'ya tatantanan.

Napaisip akosa sinabi n'ya. Malabo naman talaga na maging kami ni Jansen. Una, hindi ako 'yung tipo n'ya. Mga gusto no'n katulad ni Sandra. Pa-elite at feeling sosyal. Mga kasing yaman n'ya at edukada. Mga female version n'ya. Pangalawa, hindi babae ang tingin sa'kin ni Jansen. Mas mukha akong clown sa paningin n'ya. Paano ba naman lahat na lang ng sinasabi ko kung hindi n'ya tatawanan hindi n'ya naman pinaniniwalaan. Akala 'ata ng isang 'yon isa akong malaking JOKE na nabubuhay sa mundo. Aba, nakaka-offend na nga s'ya minsan.

"Alam na ba n'ya?" nagtataka akong tumingin kay Angge dahilbsa sinabi n'ya.
"Ang alin?" tanong ko.

"Yung tungkol sa'yo. Kung sino ka bang talaga." napatango naman ako. "Alam na n'ya?"

"Hindi pa." I simply said.

"At bakit?" this time s'ya naman ang pumameywang sa harapan ko.

"Anong bakit?" kunot noo kong tanong.

"Bakit hindi mo sinasabi. Tanga ka, Bakla!" she said at hinampas pa 'ko ng mahina sa balikat.

"Bakit pa?"

"Ha?"

"Ano ka ba, at the end of the month lilipad na 'ko papunta sa Madrid and that's 7 days from now. Kaya there's no use para sabihin pa sa kan'ya ang lahat."

"Gaga ka talaga. Karapatan n'yang malaman. Ungas!" binatukan n'ya ako.

Tama s'ya. Pero kasi hindi ko makita 'yung point kung bakit kailangan pa n'yang malaman. As if he's something really special diba? Kaya hindi n'ya na kailangan malaman kung sino ako.

Na hindi pala ako ang Tisay na kilala n'ya.

"Tumawag sa'kin si Attorney." sabi ko kay Angge at napatigil naman s'ya sa ginagawa n'ya.

"Bakit daw?" she worriedly ask. Of course magwoworry talaga s'ya. Ikaw ba naman tawagan ng family lawyer n'yo diba?

Atty. Montes is our family lawyer s'ya rin ang humahawak ng bussiness na iniwan ng parents ko para sa'kin. But I'm too stuborn to handle it. Since then, wala na talagang ka-amor amor ang kompanyang tinayo ng ama ko para sa'kin kaya ng mamatay sila si Atty ang humahawak no'n.

Our company is Waltham Technologies. Isa s'ya sa pinakamalaking kompanya sa US. But like I said I don't give a damn. Mas'yado kong mahal ang buhay ko para igugol lang 'yon sa paghahandle ng kompanya.

"Atty Montes said that New Millenium called him."

"New Millenium?! 'Yung kompanya ni Jansen" gulat na gulat n'yang tanong.

"Uh-huh!" Sabu ko at tumango tango pa. "Pinipilit pa rin daw ng New Millenium ang Waltham na magkaroon sila ng joint venture."

"Pumayag ka?" Nagtatakang tanong n'ya.

"Hindi. Alam mo naman siguro na kapag pumayag ako ay malalaman na rin ni Jansen kung sino talaga ako."

"Pero diba. Gustong gustong makuha ng New Millenium ang Waltham dahil siguradong lalago ang kompanya ni Jansen kapag nagkataon diba?"

"Lalago ang New Millenium ng walang kahit na anong tulong ng Waltham."

"Pero may tulong mo? Gaga ka talaga. Bakit mo ba pinapahjrapan ang sarili mo na magtrabaho sa isang kompanya na ang kinikita mo ay wala pa sa isang segundong kinikita ng sariling mong kompanya." I just shrug. "Ewan ko sayo." Napangiti na lang ako.

*****
Hello. Hi. Haha.

~Andra Nicole




A Step To Farewell {Mini Series}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon