Chapter 9

9 4 0
                                    


Jansen Kendrick Uytengco Point of View

"Wala na ba tayong ibibilis?" tanong ko kay Ivo na ngayon ay kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan.

"Overspeeding na nga tayo." katwiran n'ya. Tumingin ako sa cellphone ko. 10 minutes ago pa 'yung huling text sa'kin ni Macky.

*****
From: Macky

Pre, bagot na bagot na 'yung presidente ng Raja España dito. Tatawagan ko na lang muna si Careen. Baka sakaling p'wede n'yang aliwin 'tong mga 'to.

9:17 AM
*****

Peste. Bakit ba palaging si Tisay? Wala na bang ibang tao sa kompanya? Baka mamaya maghasik 'yun ng lagim do'n.

"Edi, bilisan mo pa."

"Fuck dude, sagad sagaran na 'to. Gusto mo bang lumipad na tayo?" he said.

Frustrated akong napahawak sa ulo ko.

Malaking negosyo ang dala ng Raja España. Kaya kailangang kailangan nila ang pagpirma sa joint venture ni Mr. De Fuentes. kung bakit ba kasi ngayon pa nagka-aberya e'.

*****

Hindi pa man tuluyang naiaayos ang sasakyan ay sabay na kaming tumakbo ni Primo papasok sa loob. Naka-agaw sa pansin namin ang delivery motorcycle ng red ribbon mula sa labas.

Nagmadali kaming sumakay sa elevator at nang tumigil 'yon sa floor ni Macky ay patakbo kaming nagpunta do'n.

I saw Tisay walking toward us. May hawak hawak pa s'yang cake. Ngumito s'ya sa'min at kinawayan namna namin s'ya bilang ganti.

"Nand'yan si Macky sa loob." sabi agad n'ya.

"Sige, salamat." sabi ko. Nag-umpisa kaming maglakaf papasok sa opisina ni Macky pero hindi pa man namin tuluyang nabubuksan 'yon ay may pahabol na sigaw si Tisay.

"Pakisabi sa kan'ya. Bawas bawasan kamo n'ya ang pagiging tsismoso."

"Makakarating. Mahal na prinsesa." pasigaw na sabi ni Ivo. At natawa na lang kaming tatlo.

We saw Macky happily looking at the view outside his office.

"Macky, what is this all about?" I ask him.

"Uy, upo kayo." masayang sabi n'ya pagkakita samin. Tumingin kami ni Ivo sa paligid at wala kaming nakitang bakas ng mga taga-Raja España.

" 'Diba, we initially drafted the JV Agreement asking Raja España to invest 10 billion dollar over a period of tenbyears in New Millenium?"

"As I can recall, Yes. Bakit? Problems?"

"Well, I have just spoken with their CFO. Apparently, Mr. De Fuentes was so impressed with New Millenium that he has authorized a substantial increase in funding."

"How substantial?" tanong ni Ivo.

"TWENTY THREE BILLION DOLLARS.!!" masayang sigaw ni Macky.

"Twenty three billion?!!" uli ko. "Wow.!" tumingin ako kay Ivo na ngayon ay tuwang tuwa rin sa pangyayari.

"Thanks to Careen. Pinaandaran nya nang charm yung CEO."

"What?" gulat na tanong ko.

"Yes, sya ang kuma-usap don sa CEO. And will you believe it the whole time that they were spoken tawa ng tawa si Mr. De Fuentes."

" 'Yung CEO?" nagtatakang tanong ni Ivo. Tumango naman si Macky.

"Saan daw natutong mag-spanish?" tankng ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Si Tisay?

A Step To Farewell {Mini Series}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon