Prologue
"Kay, get ready! We're going to the beach!" My cousin exclaimed from downstairs. Nandito ako ngayon sa Leyte with my cousin, Angeline. She's too loud, to be honest. Naririnig ko na siyang kumakanta sa baba ng "Let's go to the beach-each" basta 'yung kanta ni Nicki Minaj.
kahapon niya pa ako kinukulit na mag-swimming daw kami sa beach ng 7 AM. I'm like? ang aga naman ng 7 AM, sunog ako ng ganyang oras kaya sabi ko mga hapon nalang kami pumunta. Buti nalang at pumayag siya. Summer pa naman ngayon kaya't kailangan ko mag baon ng sandamakmak na sunscreen!
"Kay, ano ka ba? Pagong ka ba? Tagal mo naman!" Angeline barged into my room.
"Teka lang kasi! Kitang namimili pa nang susuotin oh!" Namimili ako kung mag two-piece ako or one-piece na swimsuit. Nakatingin lang ako sa nakalapag na swimsuit sa higaan.
"Hindi ka ba makapili?" Umiling ako. "Hmm... kung nagpapa-sexy ka, mag two-piece ka. kung hindi, mag one-piece ka, easy as that, diba?" Napasapo naman ako sa noo ko. Hindi naman 'yun ang problema ko e'! Pareho kasing maganda design ng swimsuits. Biglang hinablot ni Angeline 'yung two-piece at binigay na sakin.
"Ayan, 'yan nalang suotin mo para matapos na tayo. Init na init na ako oh!" Nag-act pa siyang pinapaypayan ang sarili. Paano ba naman kasi siya hindi maiinitan? Nakapantalon siya tapos may suot pa siyang cardigan na manipis para matago ang two-piece na suot niya.
"sige na, magbibihis na ako. Lumabas ka na." Umalis na si Angeline sa kwarto ko at sinuot na 'yung two-piece niya binigay. Kulay lavender ito na may smudges ng white. Nagsuot din ako ng short. Naglagay na rin ako ng sunscreen para hindi ako ma-sun burn.
Bumaba na rin ako at dumiretso na kay Angeline.
"O, pak! Ganda ng shape mo, sis! Kala mo 'di Senior high." Nilagpasan ko siya at lumabas na ng bahay. "Teka lang!"
Walking distance lang naman 'yung beach sa bahay nila. Buti nalang at malapit. Pagkadating ay lumublob agad si Angeline. Umupo muna ako sa buhangin para magpahinga. Medyo malilim ngayong araw. Wala ring masyadong tao.
"Kay, tara na dito!" Aya ni Angeline sakin. Tumango ako at hinubad na 'yung shorts ko. Lumapit na rin ako sa dagat. Medyo maganda ang panahon ngayon. Hindi gaano kalamig ang tubig, sakto lang. Sa mababaw lang ako dahil 'di ako maruong lumangoy sa malalim, ewan ko ba.
Naaalala ko tuloy na malapit na ang pasukan namin. I only got three days left on this summer! Mas mabuting sulitin ko na 'to!
"Angeline, want mo ba ng ice cream?" I suddenly craved for ice cream. Umiling siya. Umahon na rin ako sa tubig. Kinuha ko na 'yung twalya at wallet ko. Pumunta ako sa pinaka malapit na bilihan.
Pumasok ako sa store at pumunta na ro'n sa ice cream section. Gusto ko tikman 'yung bagong labas na matcha ng magnum, sana meron sila. Ayun, meron! Kukunin ko na sana nang may mauna sakin. Napatingin naman ako sa kumuha ng matcha ice cream.
Napatiigil ako. Ang pogi niya. He was wearing a sleeveless top kaya kitang kita ko 'yung biceps niya. Napanganga ako, may tao palang ganito? SIya na ba ang para sa'kin, lord?
I shook my head. What am I thinking?! Gano'n na ba talaga ako mag-react pag may pogi? Get a grip!
"Miss, puwedeng tumabi ka? Magbabayad na ako." I shook my head. What?! ang sungit! Napailing ako.
"Ayoko nga! Ibigay mo muna sakin 'yang matcha." I pointed sa matcha ice cream na hawak niya. Parang bata tuloy ako rito. Nagi-isang stock nalang kasi 'yan.
Napatingin siya sa hawak niyang ice cream. "O, edi, sa'yo na." Binigay niya sakin ang ice cream at kumuha nalang siya ng ibang flavor. So rude?!
"Sungit, kala mo naman kung sino." I mumbled.
"May sinasabi ka?" He asked.
"Wala, sabi ko Thank you."
Nauna na ako sa ocunter para magbayad. Padabog akong lumabas ng store nakasalubong ko na rin si Angeline. Nakakainis 'yung lalaking 'yon! Uminit tuloy ulo ko buti nalang bumili ako ng ice cream.
"Oh, ba't nagmamadali ka?" "Di ko namalayan na nahihila ko na pala si Angeline.
"Sorry. May naka-encounter lang akong nakakainis na guy sa store." I said while unwrapping the ice cream. Tinikman ko na rin ito. Yummy!
'Pogi?" Nabulunan tuloy ako sa ice cream na kinakain ko. Well, oo, pogi siya, pero nakakainis siya.
"Will you stop that? Who cares kung pogi siya kung rude naman?" I rolled my eyes. Nakita kong lumabas na 'yung guy sa store kaya tinuro ko para makita ni Angeline.
"Hala! Ayun ba? Kapitbahay namin 'yan. Nagbabakasyon lang din 'yan." Napataas naman ang kilay ko.
"Kilala mo 'yan?" I asked.
"Oo. Ano ba ulit pangalan niyan..." Napatingin siya sa ulap habang nag-iisip. Hinihintay ko lang ang sasabihin niya habang kinakain ko ang binili kong ice cream.
"Ah! Xian ang pangalan niya."
"Too girly." I said.
"OA mo, ah. 'Wag mo nga 'ko english-in sa bansa ko." Nag roll pa siya ng eyes.
"OA mo rin." I said and rolled my eyes. Natawa nalang kami.
"Feel ko mayaman 'yang si Xian." Sabi bigla ni Angeline. Mukha tuloy kaming dalawang marites na nag chi-chismisan.
"Okay?? Ano naman gagawin ko kung mayaman 'yan?"
"Jowain mo kaya?"
"Crazy ka?" Hinampas ko siya sa braso. Parang sira naman 'tong si Angeline! Nakakita lang ng pogi gusto agad jowain?!
"Nope. Nakatingin siya sa'yo right now."
"Huh?" Ngumuso siya doon sa bandang kaliwa namin. "Wala naman?"
"Tumingin ka naman!" Tawa ni Angeline.
"Kainis ka! Umuwi na nga tayo." Hihilahin ko na sana siya para umuwi kaso pumiglas naman ito.
"Anong uwi? Mag swim pa tayo!" Ang ending ako ang nahila pabalik sa beach. Pinanood ko nalang siya habang palangoy langoy siya d'yan sa tubig. Nakaupo lang ulit ako rito sa buhangin.
Habang pinapanood si Angeline, nakita ko ulit 'yung guy kanina. Umahon na 'yung guy sa tubig tapos... Wala siyang saplot pang itaas. Napanganga na naman ako. He... Has a six pack.
Sinampal ko tuloy 'yung sarili ko. "Kayleigh, get to your senses!" I shook my head. Napatingin ulit ako sakanya... and he was already looking at me.
He then winked at me.
WHAT... the nerve of this guy? He was rude earlier tapos may pa-wink wink siyang nalalaman? I rolled my eyes in response.
"Angeline! Bilisan mo na nga diyan lumangoy may pating na nakawala!" agad naman umahon si Angeline at nagtatakbo papunta sa'kin.
"Anong pating? Gago ka ba?" tinuro ko 'yung lalaki na lumalangoy sa tubig.
"Nagpaparinig lang naman ako. Mukha kasi siyang pating sa ginagawa niya." sinamaan naman ako ng tingin ni Angeline. "What?" mahina niyang hinila ang buhok ko.
"Alam mo namang nasa dagat tayo tapos majo-joke ka na may pating?" hinampas hampas niya pa ako. Masakit!
"Oo na! Aray. Masakit!" pinigilan ko na siya sa pag hahampas sa'kin. "Umuwi na kasi tayo!" inis na sabi ko.
"Bakit ba kasi?! Lumangoy ka na rin kaya kung inggit ka?"
"Nakakabwisit nga kasi 'yung pating!" tinuro ko ulit 'yung lalaki pero ngayon ay nakatingin na sa gawi namin. Nahuli niya akong nakaturo sakanya at nakita ang daliri kong nakaturo sakanya.
He pointed at himself. Parang nagtatanong kung siya ba. Oo, ikaw! Nagmamadali na akong umalis dahil sa kahihiyan. Narinig ko pa ang pagtawag ni Angeline sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin. Parang gusto ko nalang tuloy tapusin ang bakasyon ko. Bakit ba kasi kailangan sumulpot ng lalaking 'yon?!
BINABASA MO ANG
A Cruel Summer With Him
RomanceLovers Series # 1 Kayleigh Contierre, a STEM student, is a girl who lives her life through the sight of books. She's an achiever, always striving to be at the top of her class to gain her parents' validation. Until that one cruel summer when she met...
