Chapter 10
Medyo napapahiyaw ako sa bawat bigla niyang pag andar. It was kind of fun so I find myself laughing with him. I never thought that riding a motorcycle would be this fun. Paano pa kaya kung gabi at malakas ang hangin? Mas masaya pa 'yon.
Nang maka-park siya sa loob ng school ay bumaba na ako at tinanggal ang helmet. Pinagpag ko rin ang damit ko kung sakaling may napasamang dumi habang bumabyahe kami kanina.
Narinig ko nalang ang pagtawa ni Xian na sa 'kin pala nakatingin. Hawak niya ang helmet at naka-upo pa rin sa motor niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka tumatawa?"
"Cute mo lang." he smirked.
"Ano ba! Kahapon ka pa gan'yan!" inis kong sabi sakanya.
Bakit niya ba akong tinatawag na cute?! Who gives him the right to? Nakakainis na siya!
"Magulo na kasi ang buhok mo, Miss Vp, kaya ang cute mo." tinungkod niya pa ang siko niya sa ibabaw ng motor at nagpahalumbaba habang nakatingin sa 'kin.
Napahawak naman ako sa buhok ko. Nanlaki ang mata ko dahil tama siya! Pumunta ako sa side mirror niya para makita ang sarili. Ang iba kong buhok ay nag tayuan na akala mo na-static sa kuryente. Sinuklayan ko lang ito habang nakatingin sa 'kin si Xian.
Nang matapos ako ay tiningnan ko na siya. "Okay na ba?" tanong ko sakanya.
"Ganda." he replied with a smirk.
That caught me off guard! What the hell? I have taught myself to hate him, to loathe him, because he is a threat to my academics! And here he is melting my insides with just one word out of him.
"Uh... thanks?" umiwas ako ng tingin, trying so hard to hide my flushed cheeks! I know they're red because I can feel the heat on it!
I hate myself that I can't make a counter attack on him! Hindi ko man lang siya mabira? Malay ko ba na baka joke lang niya 'yang ang "Ganda" ko raw. Seriousky ano ba ang deal niya?!
All I heard in response was a chuckle. Sa sobrang inis ko ay naglakad na ako.
"Vp! Teka lang, saan mo dadalhin 'yan helmet?" sigaw niya sa 'kin. Napatingin naman ako sa kaliwang kamay ko, bitbit ang helmet.
Ilang beses pa ba ako mapapahiya sa harapan niya? Kahit hiyang hiya ay nag martsa ulit ako palapit sakanya at binigay ang helmet. Tumawa na naman siya sa ginawa ko. Bwisit!
When we entered the room, Maxie was the first to saw us coming inside together. Halos sabay talaga kami pumasok! Hindi man lang hinintay na ako mauna tapos siya ang sunod!
"Bakit sabay kayong pumasok?" Maxie immediately clinged to my arm para makasagap ng kanyang daily news.
"Coincidence lang." I shrugged it off and went to my seat.
Heck it was a coincidence. It was not! It was my decision to ride his motorcycle! Ngayon hindi na mawala ang ngisi ng lalaking 'yon dahil sa mga pinagsasabi niya sa 'kin kanina. Hindi ko alam kung anong trip niya at ako ang iniinis.
"Weh?" pangungulit pa ni Maxie.
"Oo nga!"
"Bakit defensive ka naman?"
"Defensive? Do I sound like it?" I asked her.
"Sumisigaw ka 'te, e, malamang sabay nga talaga kayo pumasok. 'Di ba, Xian!?" sinigaw pa talaga ng babaitang ito ang pangalan ni Xian kaya napatingin siya rito. Agad ko namang tinakpan ang bibig ni Maxie.
"Huwag ka ngang maingay! Para ka rin 'yung pinsan ko!" sabi ko kay Maxie. "Ay, Pres, wala 'yon!" sabi ko nalang kay Xian.
"Talaga ba Miss Vp?" sigaw naman ni Xian pabalik.
BINABASA MO ANG
A Cruel Summer With Him
RomanceLovers Series # 1 Kayleigh Contierre, a STEM student, is a girl who lives her life through the sight of books. She's an achiever, always striving to be at the top of her class to gain her parents' validation. Until that one cruel summer when she met...