Chapter 5

17 2 0
                                    

Chapter 5

"Kuya, bakit gano'n sila satin?" I suddenly asked my Kuya. He's right beside me. Nasa store na kami to buy a new phone.

"I don't know. You should just focus more on yourself, Kay," He said while looking through the phones. "Ito nalang kaya? New model din naman ito at mukhang maganda ang camera quality," hinawakan niya 'yung naka-display na phone para ipakita sa'kin.

Lumapit ako rito at tiningnan ang phone. May tatlong camera sa likod at maganda rin hawakan. Ang lagi kong tinitingnan sa phone ay ang quality ng camera nito, I like taking pictures kasi.

"Maganda nga ito," I said and called for an assistance. Pumunta na kami sa counter at binili iyong model na 'yon. I-tinest pa nila ito sa harapan ko para makita kung may damage ba or what. All goods naman.

Nag set-up ako ng kaunti sa phone bago kami lumabas ng store. "Sa bahay mo na gawin 'yan," inip na sabi ni Kuya. Nakasandal ang hips niya sa counter at naka-cross pa ang legs.

Anong sa bahay?! Kailangan ko gumawa ng lock nito, 'no! Baka manakaw, mukha pa namang bagong bili. Bagong bili naman talaga.

Mag hintay siya d'yan.

Nang matapos ako ay lumabas na kami ng store. Nag parinig naman ang Kuya kong nagugutom daw siya kaya sabi ko kumain muna kami. Ito na at hinila na ako ng Kuya kong makulit.

Me and my Kuya are close, but not with our parents. Kung paano siya lumaki sa bahay, gano'n din ang na-experience ko. It's like a cycle that never ends. I'm glad to have a Kuya like him, who cares and look out for his little sister. Kahit pa-paano, may nag mamahal pa rin sa'kin.

Iyon nga lang... hindi kami madalas magkita at magkasama sa bahay dahil sa Manila pa ang university niya. He stays at his condo or dorm, not that I pry his business, 'yon lang ang alam ko sakanya.

He studies the engineering course, which he hated. He said dati na he doesn't want to be an engineer kasi masakit sa ulo ang formulas— well, look at him now. He used to whine about it when he was an upcoming freshman.

"Kuya, saan ba tayo kakain?" halos kaladkarin niya na ako sa dulo ng Mall para lang mahanap 'yong gusto niyang kainan.

We stopped in front of Coffee Project, at talagang sa mahal pa siya pumunta! "Kuya, libre mo 'to, ha!" He nods not paying attention to me. Nauna pa ngang pumasok na parang may gustong makita sa loob.

"Ano order mo? Ako na o-order ro'n," sabi ni Kuya as we settled on a table.

"I want pasta and a drink, ikaw na bahala Kuya. Libre mo naman," He nodded.

I reached for my brand new phone and clicked on the camera. I started taking pictures of the place, It was truly calm and aesthetic. May mga designs pa ito ng mga dahon, and maganda ang mga lights dito. May free wifi rin sila rito pqg bumili ka. Kaya pala maraming students na gustong tumambay dito.

I glanced at my Kuya who is now ordering. Parang may kakaiba sa galaw niya? Naka-lean ang upper body niya sa counter at nakahalumbaba pa kung um-order. Is he seeiously flirting right now? Tinignan ko kung sino 'yong nasa counter... and it was Ate Cel! Kaya pala dito ang gusto niya kasi dito nagta-trabaho ang crush niya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka-upo siya sa tabi ko. Ah, ayaw sa tapat kasi hindi makikita si Ate Cel. I smirked as I saw him not taking his eyes of her.

"Baka malusaw si Ate Cel, Kuya." napatingin naman siya sa'kin at nanlaki ang mata.

"Huh? Pinagsasabi mo d'yan?" masungit nitong sabi.

"Weh... ayan si Ate Cel, e, crush mo 'yan since Grade–"

"Oo na, oo na. Manahimik ka na," nakatakip ang kamay niya sa bibig ko, nang makitang tumigil na ako sa panunukso ay tinanggal niya na ang kamay niya.

A Cruel Summer With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon