Chapter 12
Dalawang linggo nang wala si Kuya Karlo. Ang sabi niya'y mapapatagal pa raw siya sa kanyang probinsya dahil may ipinapatayo raw siyang bahay ro'n.
Kaya ako, ito naka-angkas na naman sa motor ni Xian. Papunta na kami sa school.
Nang oras ng lunch break ay kumain kami ni Maxie sa cafeteria. Wala pa rin siyang tigil sa pang-aasar sa 'min ni Xian. Konting konti nalang ay tatahiin ko na talaga ang bibig niya!
Pagka-tapos kumain ay dumiretso kami sa may pahingahan ng school. Hindi ko alam kung anong tawag dito basta maraming mga nakakalat na bench tapos napapalibutan din ng mga puno.
"Kayleigh!" napatingin ako sa tumawag. Tumatakbo si Xian palapit dito sa 'min ni Maxie.
"Bakit?" tanong ko nang makalapit siya. Nararamdaman ko ang paninitig ng aking kaibigan sa 'king kanan.
Napunta ang tingin ko sa hawak niyang tumbler. Kulay violet ito at malaki na kasya ang pang laman ng pitsel namin. Kaya pala wala sa bag ko!
"Tumbler mo. Naiwan mo sa motor ko." inilapag niya 'yon sa pagitan namin ni Maxie. "Sige, una na 'ko!" tumakbo na ulit siya palayo.
"Close niyo na, ah?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Napahawak nalang ako sa sentido ko habang hinaharap siya. Lagi niya nalang talaga ako inaasar.
"Wala 'yon. 'Wag ka ngang issue." inirapan ko siya.
"Sis? Wala naman umaangkas sa motor pag 'di kayo close. Edi ano kayo?"
"Personal driver ko lang. Wala pa kasi si Kuya Karlo." sabi ko na naging sanhi ng pagtawa niya
"Grabe ka naman! Ang pogi-pogi kaya ni Xian."
"Okay."
"Ay agree siya!" umirap ulit ako dahil hindi na talaga siya huminto sa kaka-asar. Hindi ko na siya pinansin at uminom nalang sa tumbler ko.
Pagka-tapos ng klase ay nagpasama siya sa CR. "Tapos ka na ba?" naiinip na ako dahil ang tagal niyang mag-retouch e, uuwi lang naman kami.
Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize. "Don't tell me..." sinulyapan niya lang ako saglit at bumalik sa paglalagay ng blush niya.
"May date ka?" doon na siya tumigil at tuluyan na akong nilingon.
"Tama ka r'yan!" tumili pa siya. "Okay ba? Maganda ba ako?" tumango ako.
"Kilala ko ba 'yan? Kailan mo 'yan iku-kwento sa 'kin?"
"Nako! Kilala mo pa si Luke?"
"Gaga ka?! 'Yong ex mo?!" bumalik siya sa pagba-blush on niya.
Ay, ito namang si Maxie ay nakipag-balikan na naman sa kanyang ex! Pangatlong beses niya na ata itong ginawa. Tapos iiyak siya sa 'kin pag may ginawa na namang kalokohan ang lalaki.
Napahalukipkip ko. "Ikaw na naman masasaktan niyan. Bakit ba lagi mong binabalikan 'yon? Hindi naman pogi."
"Tanong mo sa puso ko, 'te. Basta mare-realize mo rin 'to pag naging kayo ni Xian."
"Hoy! Anong sinasabi mong magiging kami?! No way, ah. Baka nakakalimutan mo na inis na inis ako sakanya."
"Ika nga nila... the more you hate the more you love!" tumawa pa ito. Inirapana ko nalang siya.
Me and Xian? Parang imposible naman 'yon!
Sabay na kaming lumabas pagka-tapos niyang mag retouch.
"Speaking of..." napatingin ako sa naka-abang sa labas ng CR.
BINABASA MO ANG
A Cruel Summer With Him
RomanceLovers Series # 1 Kayleigh Contierre, a STEM student, is a girl who lives her life through the sight of books. She's an achiever, always striving to be at the top of her class to gain her parents' validation. Until that one cruel summer when she met...