Chapter 2
Buti nalang at hindi niya pa ako nakikita. Itinuro sa'min ni ate Esme ang mga bakanteng upuan kung sakaling usto namin umupo. Binigyan ako nito ng paper plate para magsimula na sa pagkuha ng pagkain. Hinanap ko kung nasaan 'yung rice, at malapit 'yon sa pwesto nitong Xian.
Mamaya na ako pupunta ro'n! Kuha muna ako ng ibang pagkain. Syempre, kumuha ako ng lumpia kasi 'di naman 'to mawawala pag may birthday-an, ito lagi ang dinadagsa ng mga tao.
Kumuha ako ng pito dahil favorite ko ito. Nakita kong may fried chicken sila kaya kumuha ako ng dalawa, dahil maliliit lang naman ito. Walang diet-diet pag dating sa pagkain sa birthay! Kumuha na rin ako ng palabok.
Tumingin ulit ako kung nasaan 'yung kanin, nandoon pa rin 'yung lalaki na kumakain. Kainis!
"Ano ba kukunin mo?" tanong ni Ange sa'kin na may hawak ng paper plate. Ang dami niyang kinuha, bundok na 'yung pagkain niya.
Tinuro ko kung saan nakalagay 'yung kanin. "Ayun, oh. Gusto ko ng kanin. Puwede mo ba 'kong ikuha?" tanong ko sakanya at nilingon niya naman ang tinuro ko.
"Ikaw na. Kaya mo na 'yan." sabay alis niya sa tabi ko. Hindi ko kaya! Ayoko na ngang makita 'yung lalaking 'yun, e! Hindi nalang siguro ako magka-kanin...
Hinanap ng mata ko ang mga bakanteng upuan. Naka-upo na si Tita at Tito sa kanang dulo ng lamesa. Si Ange naman ay dumiretso ata sa salas nila upang doon kumain. Nakita ko naman ang bakanteng upuan sa may kaliwa sa bandang dulo.
Umupo na ako rito at nagsimula nang kumain. Si Xian ay nasa gitna ng lamesa na kumakain. Ang katabi ko naman ay isang lalaki na mukhang may lahi rin. Kapatid siguro nitong Xian.
Kinagat ko na ang lumpia ko. Nag-iisip kung paano ako makakakuha ng kanin na malapit sakanya. Ayokong makita ako nito. Masyadong madalas na ang pagkikita namin.
Tumayo itong katabi ko at pumunta sa pwesto ni Xian, kukuha siguro ito ng kanin. Nasa malaking kaserola 'yung kanin, nag sandok na 'yung lalaki ng kanin kaya bumalik nalang ako sa pag nguya ko ng lumpia, sinabayan ko pa ito ng pag-subo ng palabok.
"Bakit may cellphone dito?" tumingin ako sakanya habang ngumunguya. May kinuha siya sa kaserola at tumambad ang isang cellphone. Si Xian na kumakain ay napatingin na rin sa hawak ng lalaki.
Weird naman. Bakit naman ilalagay ang cellphone sa lutong kanin? Babalik na sana ako sa pag nguya nang makita ko ang itsura ng casing ng cellphone. Puti ito na may design na pink na bulaklak.
I blinked a few times. Cellphone ko 'yon, ah! Wait... cellphone ko?! Nabilaukan ako sa kinakain ko! Napa-ubo ubo pa ako kaya napatingin na sa'kin ang mga kumakain. Pati si Xian at ang kumuha ng cellphone sa kaserola.
Inabutan naman ako ng isang matanda ng tubig at nag-pasalamat ako rito. Gago 'yon, ah! Bakit sa lutong kanin niya binabad 'yung cellphone ko?
"Sino naglagay nito dito?" inis na sabi nitong lalaki na sumandok ng kanin.
"Ako, kuya," nagtaas ng kamay si Xian. Tama nga akong mag kapatid sila.
"Bakit mo naman dito nilagay? Baboy mo naman..." nilapag na nung Kuya niya ang cellphone ko sa lamesa.
"Binabad ko lang naman sa kanin." hindi ko nalang pinahalata na naiirita na ako. I continued chewing my food.
Tumingin naman ang Kuya niya sakanya habang nakakunot ang noo. "Binabad? Seryoso ka ba, Xian? Sa lutong kanin?!" tumango lang itong Xian at kumain ulit.
"Sira ka! Dapat sa bigas! Hindi sa luto. Kanino ba 'tong cellphone na 'to? Pang babae naman." hiyang hiya na ako sa nangyayari. Bumalik na sa tabi ko ang Kuya niya. Parang tanga naman kasi itong Xian na ito!
BINABASA MO ANG
A Cruel Summer With Him
RomanceLovers Series # 1 Kayleigh Contierre, a STEM student, is a girl who lives her life through the sight of books. She's an achiever, always striving to be at the top of her class to gain her parents' validation. Until that one cruel summer when she met...
