Chapter 8

13 2 0
                                        

Chapter 8

Lalo lang talaga akong nainis kay Xian. Lagi siyang mataas sa quizzes at mukhang favorite pa ng mga teacher namin! Hindi ko malaman kung anong kulang sa mga pinagsasagot ko at laging 2-5 points below ang score ko. Lagi siyang perfect sa lahat ng quiz!

Bakit gano'n? Lagi naman akong nag-aaral, minsan nga'y mine-memorize ko na lahat nang nasa notes ko para may masagot agad ako. Pero bakit mali na naman?

"Anong iniisip mo? Ang sama ng tingin mo sa harap." sabi ni Maxie. Nagre-report kasi ang grupo ni Xian sa harapan namin ngayon.

Magaling siya magsalita, lalo na sa english. He has it all. Handsome face and intelligence, but I don't really like him. Ayoko talaga sakanya.

He was pointing at their manila paper where all the important contents are written. Xian is moving back and fort to express his report. Halata mo talagang may angking talino it dahil naka-suot ng salamain.

"Gusto ko na umuwi." tamad kong sabi kay Maxie.

"What? Hindi mo ba gugustuhing mag-aral? Hindi ikaw si Kayleigh! Ibalik mo ang kaibigan ko!" pag iinarte niya.

"Ang OA mo." inirapan ko siya kahit nasa harapan ang atensyon ko.

Nang matapos ang grupo nila Xian ay nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Tamad akong pumalakpak para wala na silang masabi. Napatingin naman sa gawi ko si Xian kaya tinaasan ko nalang ito ng kilay.

Anong problema no'n at may patingin tingin pang nalalaman? Sinundan ko 'to nang tingin hanggang sa maka-upo siya sa kabilang dulo ng linya namin. Nasa third row kasi kami, nasa may kaliwang banda ako habang siya ay nasa dulo ng kanan.

Tapos naman na ang grupo ko sa reporting kaya pinapanood nalang namin ang mga susunod. Pagka-tapos ay nag paalam na ang guro namin.

"Sobrang naiinis talaga ako sa Xian na 'yan." sabi ko kay Maxie.

"Oh? Ano na naman nagawa niyan sa'yo at hindi humuhupa ang galit mo?"

"Para siyang bida-bida na ewan na bigla nalang sumulpot. Maayos na buhay ko, e, dumating pa siya." sabi ko.

Ngumiwi lang si Maxie sa sinabi ko. "Ayan ang OA. Baka kaya ka ganyan kasi crush mo at in denial ka lang!"

Namilog naman ang mata ko sa pang aakusa nitong babaeng 'to. "Hindi 'no! Tigilan mo nga ako!"

"Aminin mo na kasi! Hindi ka naman mag kakaganyan kung hindi mo gusto 'yon. O, tignan mo nakatingin sa'yo ngayon!"

"Hindi ko nga sabi siya gusto! Naiinis nga ako sakanya! Hindi ka rin makaintindi, 'no? Kung ipaalala ko kaya lahat ng mga naging cr-" tinakpan nito ang bibig ko.

"Shh! Hindi na nga!"

"Ang ingay niyo d'yan." lumapit na si Xian sa'min. Tinaasan ko lang 'to ng kilay. "Vice president ka Kayleigh, bakit nakikisabay ka sa ingay?"

Hindi ko namalayan na maingay na pala sa loob ng klase. Wala pa naman ang susunod naming guro kaya halos mag party na sa sobrang ingay dito.

"Sawayin mo nalang." tanging nasabi ko. President naman siya, kaya niya na 'yang patahimikin.

"Sinaway ko na nga. Mas maingay nga kayo, e." nag angat ulit ang tingin ko sakanya.

"Gano'n ba? Edi sorry." sabay akto ko ng pag zipper ng bibig.

Nakita ko sa peripheral view ko si Maxie na nagpipigil ng tawa. Ingay niya kasi!

Bumalik na siya sa upuan niya. Para hindi na masaway ay bumulong nalang ako sa tainga ni Maxie.

A Cruel Summer With HimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon