Chapter 6
Pag may isang tao talaga akong kinaiinisan ay gumagawa talaga ako ng paraan para hindi ko na ulit sila makita. Dati inis na inis ako sa classmate kong si Gina, napaka bida-bida! Feeling president ng section namin, e hindi naman! Sa sobrang inis ko sakanya—ako na ang nag-adjust at lumipat ako ng section para maiwasan lang ang pagmumukha niya.
Pero, ngayon? Bakit nasa harapan ko ang lalaking kinaiinisan ko no'ng bakasyon?! Bakit naging kaklase ko pa siya? Sa sobrang daming school sa cavite, bakit naisipan niya pang mag-enroll dito?!
Natahimik ang inner demons ko nang may pumasok. Nandito na 'yung teacher namin, agad naman kaming tumayo at binati ang guro. Nilapag nito ang mga gamit niya sa table.
"Good morning! I'm your adviser Kate Gomez." nakangiting sabi niya. "For now, mag introduce yourself muna kayo with a twist."
Anong twist kaya ang iniisip nitong ni Ma'am? Baka may pa-show your talents pa sa harapan, ay talagang aayaw ako!
"Since marami kayo... by pair ang introduce yourself vniyo. 'Yung ka-partner niyo ang ipakikilala niyo." She said while scanning the room.
"Ang katabi niyo ang ipapakilala niyo, ah. Give your name, age, and hobbies. I'll give you 5 minutes to get to know each other."
What?! Napatingin naman ako sa katabi ko. Talaga naman, oh! Ayoko naman mag reklamo sa first day of school ko baka masabihan akong sobrang arte!
Bakit kasi late pa si Maxie!? Edi sana, kami ang mag partner at hindi ako nagdudusa ngayon! Puwede pa kaya lumipat ng section?
"Ikaw ang partner ko," humarap siya sa'kin. Alam ko! kailangan mo pa bang sabihin?! mag katabi nga tayo, e!
"Oo nga, e, sira na ang araw ko." I blurted out and rolled my eyes.
Hindi naman siya na-bother sa pagsusungit ko. "Ano bang pangalan mo? Hindi ko nakuha no'ng nasa leyte tayo." He said while holding his pen.
Wala naman akong magagawa kung hindi ibigay ang pangalan ko dahil by pair ito. Kainis! May pa-twist twist pa kasing nalalaman si Ma'am!
"Kay, short for Kayleigh Contierre," I said. Isinulat naman niya 'yon sa notepad niya.
"Okay. I'm Xian Luriales, nice to meet you." taray parang walang nagawang kasalanan sa'kin sa leyte! close tayo?
Tumango ako. "Puwede ba akong maka-hingi niyan?" turo ko sa notepad niya. Tinaasan lang ako ng kilay nito. Huwag siyang madamot! Napaka-liit na papel lang 'yan baka ipagdamot niya pa.
"Malaki naman ang bag mo, huwag kang tamad." He smirked. Aba!
Sinamaan ko siyang ng tingin bago naghalukay sa bag ko. Bwisit siya! Nag labas ako ng 1/4 paper at sinulat ang pangalan niya.
"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko.
"Eighteen, ikaw?"
"Same."
Sinulat namin 'yon sa papel namin. "Hobbies mo?" tanong niya sa'kin.
"Magbasa at kainisan ka." I rolled my eyes.
"Glad we're on the same page. My hobbies are playing the electric guitar and playing chess."
"Boring mo pala," sabi ko.
"Nahiya ako sa'yo," sabi nito habang nakatingin sa notepad niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Talaga naman! Bawat komento ko ay may sagot din siya! Mukhang hindi nagpapatalo 'to, ah!
Napunta ang tingin ko nang may kumatok sa pinto at bumungad dito si Maxie. Nag-sorry siya at naghanap ng mauupuan, hinanap pa ako nito tsaka pinanliitan ng mata. Galit siguro dahil hindi ko siya nai-save ng upuan.
BINABASA MO ANG
A Cruel Summer With Him
RomansaLovers Series # 1 Kayleigh Contierre, a STEM student, is a girl who lives her life through the sight of books. She's an achiever, always striving to be at the top of her class to gain her parents' validation. Until that one cruel summer when she met...