Chapter 1

28 4 5
                                        

Chapter 1

Wala kaming masyadong ginawa ngayong araw. Nanatili lang ako sa kwarto ko habang nakatanaw ako sa labas ng bintana. Alas kwatro na rin ng hapon. Tirik na tirik pa rin ang araw.   Ang sarap ng simoy ng hangin dahil damang dama ko talga kung gaano ito ka-fresh. Ibang-iba talaga pag nasa probinsya ka.

Hindi gaya pag nasa malalaking cities ka, medyo humahamog ang paligid dahil sa pollution. Dito sa probinsya para kang maninibago dahil ang linis ng hangin.

"Kay, may bibilhin ako sa palengke, sama ka?" sumilip si Angeline sa kwarto ko. Umiling nalang ako dahil gusto kong magpahinga. Medyo napagod ako sa pinaggagawa ko kahapon, tinakbo ko ba naman pauwi dahil hiyang hiya ako sa ginawa ko.

"Ano ba 'yan..." sabi niya bago niya isinara ang pintuan. Bumalik ang tingin ko sa bintana, puro puno ang likod ng bahay nila Angeline. Nakahalumbaba ako habang nakatanaw rito.

May maliit na pahalang na upuan malapit dito sa bintana kaya komportable ako habang tumitingin dito. May cushion din ito kaya malambot kahit pa-paano.

I gave myself a deep sigh. Nakakalungkot isipin na ako lang mag-isa ang pinapunta ng mga magulang ko dito upang mag bakasyon.

Hindi ko pa nararanasan na magkaroon ng bakasyon kasama ang mga magulang ko. Parati kasi silang busy sa mga ginagawa nila sa trabaho. Minsan nga iniisip ko kung may magulang pa ba ako. Pag-uwi ko kasi ay laging katahimikan ang bumubungad sa'kin. Parang ako nalang ang buhay sa tahanan namin.

Si Kuya Ero naman ay College student na kaya hindi ko na siya masyado nakikita. Siya lang ang madalas kong kausapin. Tuwing Sabado at linggo lang siya nauwi. Sa Manila pa kasi 'yon nag-aaral.

Nakakalungkot pala talaga...

Napailing ako. I should not be thinking about that right now. I'm on a vacation. Dapat akong mag-relax kahit ngayon lang.

Nagulat naman ako nang may makita na parang may dagat sa likod ng bahay nila Angeline. Agad-agad akong nag-suot ng tsinelas at bumaba.

Naabutan ko si Tita sa kusina habang si Tito naman ay nanonood sa TV.

"Oh, saan ang punta mo? Bumili si Ange sa palengke..." sabi ni Tita nang makita niya ako.

"Diyan lang po sa likod. May dagat po pala diyan?"

"Ah! Oo, meron. Kaso medyo maputik ang papunta ro'n dahil puro puno rin ang likod namin." tumango nalang ako.

"Sige po. Salamat, Tita!" nag tungo na ako sa pinto na papunta sa likuran ng bahay nila.

Dala-dala ko rin ang cellphone ko para ma-picture-an ko ang dagat. Ayos naman dito sa probinsya kahit walang masyadong signal. Wala rin wifi itong sila Angeline dahil nga mahina. Mas nararanasan ko ang realidad pag nandito ako.

Binuksan ko na ang pintuan at bumungad sa'kin ang mga nagtataasang puno at iba-ibang tanim nila Tita.

Naglakad na ako patungo sa dagat na nakita ko sa bintana. Tama nga si Tita na medyo maputik ang daan dahil puro tanim nga ang likod nila. Tiniis ko nalang ang malambot na daan dahil nandito naman na ako.

Napangiwi ako nang may maramdaman na dumikit sa balat ko. Naka-shorts pa naman ako, kitang-kita ang kulay ng putik sa kutis ko. Ipinagpag ko nalang ito gamit ang aking binti. Ayoko hawakan ang putik. Natanggal naman ang konti rito, natira lamang ang kaunting bakas ng putik.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Nang medyo natatanaw ko na ang dagat ay tumakbo ako ng konti para marating ko ito agad.

Namangha ako sa nakita ko. Ang ganda pala rito sa likod nila Tita, e. Maganda manood ng sunset dito. Ginamit kong pantakip ang aking kanang kamay para takpan sng araw na tumatama sa mata ko.

A Cruel Summer With HimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon