Chapter 16
Nagtuloy-tuloy ulit ang pagka-kaibigan namin ni Xian. Hatid sundo niya pa rin ako at minsan ay kumakain kami sa labas. Napapansin na rin ng mga kaklase namin ang pagiging close ulit namin. Parang dati lang, ayaw na ayaw ko sakanya.
Sometimes, Maxie will see me on Xian's motor and it will led her in to teasing me. Inaartehan ko pa siya na tigilan niya 'yong gano'n pero alam kong gusto kong inaasar ako kay Xian.
I don't know how my feelings started... I mean... Siguro noong sinabihan niya 'kong magaling kumanta? I just find myself liking him.
Napapansin ko rin na naging caring siya at sweet. Gabi-gabi kaming nag-uusap about some random stuff, and mostly it's just about him teasing me. Hindi niya pa rin ako tinitigilan na inisin.
"Girl! Bukas na 'yong event niyo, 'di ba?" Kasabay naming maglakad ni Xian si Maxie.
"Yup!" I said. We were on our way to the club to continue our last practice. Gano'n din si Maxie, may pag-uusapan daw ang club nila lara bukas. Sila kasi ang mag ha-handle ng page ng school, wherein they'll post about the celebration.
"I'm so excited!" para tuloy siyang batang nagtata-talon habang nakahawak sa braso ko. Si Xian na nasa kanan ko ay tahimik lang.
Tapos na ang dalawang linggong paghahanda namin para sa concert. It was finally tomorrow. All I feel was a bit of excitement and a hint of nervousness. Ang daming manonood bukas! Buong campus!
Humiwalay na rin si Maxie nang marating niya ang floor ng club niya.
We went inside our room and I instantly felt the tension inside. Bakit parang binuhusan sila ng malamig na tubig? Aren't we supposed to be happy kasi bukas na ang concert?
"Do you know something?" Tinanong ko si Xian ng pabulong.
Tiningnan ko siya pero umiling lang ito. We went to a table and settled our things there. Parang hindi kami napansin ng mga ka-members namin. Para silang dismayado at puno ng problema.
"May problema ba?" I finally broke the silence. Napalingon silang lahat sa 'kin. I gave them a confused look.
"Si Claire..." may lungkot ang boses ni Jason nang sabihin niya 'yon. I waited for him to continue.
Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit ganito ang kanilang mga itsura.
"Just say it, Jason." hindi na rin siguro nakatiis itong si Xian at nagsalita na rin. I just want to know what the problem is!
"Nag back out si Claire. Last minute. Nag chat siya sa 'kin before ang practice natin ngayon. She said that she can't do it."
Doon ko na naramdaman ang problema at kung bakit dismayadong dismayado sila... Why? Bakit nag back out si Claire? Hindi ko naman kayang kantahin lahat ng tracks namin! Ang iba pa nga sa na-practice namin ay ka-duet ko siya!
I feel so frustrated! Bukas na ang event! Bakit last minute pa siya nag back out? It would have been better if it was a few days ago... pero ngayon? Last practice pa mismo?
Napahawak ako sa ulo ko sa binigay na stress ni Claire. She must have had a reason to not be able to do it.
"Bakit daw?" tanong ni Xian.
Ipinakita sa 'min ni Jason ang message ni Claire sakanya.
Claire:
I don't know how to say this... but I'm really sorry. I won't be able to make it. I can't do it. I really can't. I'm so so sorry. Please tell this to the members of the club.
Hindi ko alam kung kaya kong umintindi ng tao ngayon! Dahil bukas na ang event! Why would she do this to us?
Out of all the members of the club, ako ang pinaka mahihirapan! Ako ang lead vocalist at siya 'yong kasama kong kakanta sa stage. Paano na kami niyan ngayon na wala siya? Na siya ang kasama ko sa pag practice ng mga kanta?
BINABASA MO ANG
A Cruel Summer With Him
RomanceLovers Series # 1 Kayleigh Contierre, a STEM student, is a girl who lives her life through the sight of books. She's an achiever, always striving to be at the top of her class to gain her parents' validation. Until that one cruel summer when she met...
