Chapter 17 (Part 1)

11 0 0
                                        

Chapter 17

Xian:

Saan ka na?

Kaya mo ba pumunta rito o susunduin pa kita?

Kakagising ko lang nang basahin ko ang mga message ni Xian. After I got home last night, we decided to continue our practice in the morning. Gabi pa naman 'yong event, may time pa kami.

Kayleigh:

Kakagising ko lang

I rushed to the bathroom to take a shower. Nag suot lang ako ng white square neck top partnered with denim shorts. Nag baon na rin ako ng light blue tank top and white cardigan for my outfit later. Hindi na kasi ako uuwi para mag bihis.

Nag lagay ako ng minimal make-up lang, pang natural look and topped it off with a dewy pink liptint. I tied my hair into a high ponytail.

Kinuha ko na ang phone ko para masilip ang oras. It was 8 AM in the morning, then I saw Xian's message and clicked it.

Xian:

Luh. Bilisan mo na nasa labas ako ng bahay mo.

"Huh?!" I exclaimed.

Dali-dali akong pumunta sa may bintana kung saan kita ang gate namin. And he wasn't lying! He was leaning over his motor while he waits. He was wearing a black jog pants and he tucked his blue shirt.

I grabbed my things and rushed out of my room. Mabilisan lang din ang paalam ko kay Ate Bell. I didn't bother to eat breakfast. Hindi pa naman ako gutom.

"Hoy! Hindi mo naman sinabi agad na pupunta ka!" Bulalas ko nang makalabas ako.

Napatitig pa siya saglit bago inayos ang sarili. "Ang tagal mo," he sat on his motor. "sakay na."

Umirap nalang ako at inokupa ang maliit na espasyo sa likuran niya. I wrapped my hands around him. Hindi ko alam kung paano ko naco-control ang kilig ko pagka-harap siya.

Pagka-dating namin sa bahay jiya ay hindi agad kami nag practice. Talagang pinakain niya pa 'ko ng breakfast ng malaman na hindi pa ako nakakakain. After eating, nag practice na ulit kami sa maganda niyang studio.

Sabi rin sa Group Chat namin na may rehearsal kami ng 2 PM do'n sa stage para alam namin kung saan pupwesto.

Aaminin kong maganda ang pagkakahalo ng boses naming dalawa nito ni Xian. Ang pogi ng boses niya habang kumakanta. Nag ha-harmonize talaga kami. Minsan siya ang nag-aadjust, binababaan niya ang boses niya pag alam niyang mataas ang note ko.

Alam kong maganda ang kalalabasan nito mamaya at maraming hihiyaw dahil sa nga pinili naming kanta. Iniisip ko pa lang na maraming tao ay kinakabahan na ako. Iba pala talaga ang kaba pag day ns ng event. Hindi ako puwede magkamali mamaya.

Nang mag tanghalian ay inaya akong kumain ni Xian. I agreed and sat on the chair.

"Anong puwede kong gawin?" tumayo ako at sumunod sakanya para tulungan siya.

Lumingon ito sa 'kin at kinunutan ako ng noo. "Maupo ka nalang do'n," nginuso niya pa ang inupuan ko kanina. "manood ka nalang." he said.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Sep 15, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Cruel Summer With HimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon