Chapter 7
Losing was not in my vocabulary, nor was it on my mindset. I was always reminding myself that I do not lose, I always win. Simula High School hanggang mag Grade 11 ay ako ang President ng classroom namin. Ni isang beses ay hindi ko ito nakamit.
Ngayon lang nangyari ito.
I was sudenly humbled.
I was now the Vice President and Xian is the President. Someone was higher than me. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Isa sa goals ko ay hindi ko nakuha. Gusto ko nalang talagang magwala!
"Huy, okay ka lang ba? kanina ka pa tulala riyan," ngumuso si Maxie. "hindi mo pa nagagalaw ang lunch mo." sabay subo niya nang hotdog.
"Badtrip lang ako sa'yo!" paninisi ko sakanya.
"Gaga ka ba?! Ano na namang ginawa ko sa'yo?"
"Traydor ka, e! Bakit mo ba kasi binoto 'yon?!" napasabunot tuloy ako sa buhok ko.
Napakunot saglit ang noo niya. "Jusko! Isang linggo na ang nakalipas," sumubo pa ulit siya. "tsaka pogi! talo ka talaga 'te." umiling iling pa siya.
Napanguso nalang ako sa sinabi niya. Padabog kong kinain itong baon kong chicken fillet. Kahit walang gana ay kailangan ko pa rin kumain para may laman ang utak ko.
Napapansin kong matalino rin si Xian, na mas kinainisan ko. Simula talaga no'ng pumasok 'yon ay nag silbing threat na siya sa'kin. Baka pati with highest honors ko ay maagaw niya.
Halos kaming dalawa lang ni Xian ang sumasagot pag may recitation. Magagalit talaga ako kung nasa 90 pababa ang grades ko kung lagi naman akong active sa klase nila. Buti at nabago na rin ang seating arrangement. Hindi ko na siya katabi kung hindi si Maxie na.
"Paturo nga nito, 'te." tiningnan ko ang papel ni Maxie na naglalaman ng equations. Tinuruan ko naman siya at naintindihan din naman niya 'yon.
Minsan iniisip ko kung mag nu-nursing ako o mag teacher nalang. Magaling din naman ako sa pagtuturo, tulad ngayon. Pag may quiz kami sa physics ay nagpapaturo ang iba kong kaklase sa'kin, ang iba naman ay kay Xian.
Nag alisan na ang ibang mga nagpaturo sa'kin para aralin ang natutunan nila. May quiz kasi kami mamaya sa General Physics. More on math kasi 'yon.
Nang mag-aaral na sana ako ng may humabol pa. "Kayleigh, paano 'to?" tanong ni August.
August is the Secretary of our class. He's half korean kaya halata mo talaga sa mata nito ang pagka-singkit. Mas maputi pa ata ang kutis nito kesa sa budhi ko. His hair is pushed back and some strands laid on his temple.
Umupo ito sa tabi ko at nilapit pa ang upuan sa'kin. "Hindi ko kasi gets ito." turo niya sa equation na sobrang haba ng solving process.
Maski ako medyo naguluhan ako sa equation na 'yan kaya kinailangan ko pang aralin ulit para maituro sakanya. Habang tinuturo ko ay tahimik lang siyang nakikinig. Sa kalagitnaan ng pagtuturo ay napatingin ako sakanya.
"Nakikinig ka ba? Bakit sa 'kin ka nakatingin?" tanong ko sakanya nang mahuli ko siyang nakatingin sa 'kin imbis na sa papel niya.
Nanlaki ang mata nito nang salubungin ko ang mata niya. He pressed his lips together. Hindi ko alam pero medyo naestatwa siya sa pagtitig sa 'kin. I waved my hand to gain his attention. Mukhang natulala na siya.
Agad niyang inagaw sa'kin ang papel niya at napatayo. "A-ah! A-ano... Gets ko na!" napakunot naman ang noo ko.
"Ha? pero hindi pa ako–" tapos ituro 'yon. Nagmamadali na siyang pumunta sa upuan niya sa pinaka likuran.
BINABASA MO ANG
A Cruel Summer With Him
RomanceLovers Series # 1 Kayleigh Contierre, a STEM student, is a girl who lives her life through the sight of books. She's an achiever, always striving to be at the top of her class to gain her parents' validation. Until that one cruel summer when she met...