Chapter 11
"Ikaw pala ang gamot sa sakit ko, Miss Vp."
"Ikaw pala ang gamot sa sakit ko, Miss Vp."
"Ikaw pala ang gamot sa sakit ko, Miss Vp."
Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi ni Xian sa 'kin kanina. Ako raw ang gamot niya... what?! Bakit naman niya sasabihin 'yon?! Crush niya ba ako?!
Grabe mang asar 'yong hayop na 'yon! Mas lalo lang tuloy kumukulo ang dugo ko sakanya! Nasampal ko ang mag kabilang pisngi para hindi na siya isipin.
"You're next, Kayleigh." nabalik ako sa katinuan nang tawagin ako ni Ate Marice, ang President ng Music club.
Naka-upo kami lahat ngayon sa lapag at naka pabilog. Nagpapakilala kami sa isa't isa dahil halos lahat ay new members at ngayon lang din nakita ang mga mukha.
"Hello po! I'm Kayleigh Contierre, 18 years old." maikling pagpapakilala ko nang may ngiti sa labi.
"At siya ang magiging main vocalist natin." dugtong ni Ate Marice kaya nagpalakpakan pa sila.
"Sample nga!" sigaw ni Claire, member ng club. Umiling iling ako. Tsaka na ako kakanta pag nag practice na kami, 'no! Baka mapaos nalang ako bigla.
Sa sobrang lutang ko kanina halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Xian sa tabi ko. Hindi ko namalayan na katabi ko pala siya!
"I'm Xian Luriales, 18 years old and lead guitarist." he said. I saw the eyes of the girls. All of their eyes were dreamy while looking at him. Hindi talaga mapagkakaila na gwapo talaga ang isang 'to.
"Ngayong kilala niyo na ang isa't isa. Idi-discuss ko na ang need nating i-practice." tumayo si Ate Marice at pumunta sa whiteboard at nag sulat doon.
Sinulat niya roon ang date ng founding anniversary ng school. Ang gagawin namin ay parang concert to celebrate that day.
"Mga 5 PM to 7 PM ang plan ko for our concert. Kaya niyo ba 'yon? We need something entertaining din like engaging with the audience." Ate Marice said. Napatango naman ako sa sinabi niya dahil magiging boring ang concert kung hindi kami makikipag-engage.
"Kaya naman po. Ang dami nating kanta na kailangan i-practice nito." napakamot sa ulo si Jason, ang drummer namin.
"Mga ilang kanta kaya ang kailangan natin for two hours?" I asked.
"Mga twenty? Masyado kasing mahaba ang two hours at paniguradong hindi rin naman tayo makakapag-start agad." sabi ni Albert, ang pianist namin.
"Meron namang opening remarks, hindi ko lang alam kung which club, but halos lahat ng matitirang oras ay sa music club na mapupunta." sabi ni Ate Marice.
"Mag brain storm muna tayo kung anong mga kanta ang isasama natin sa tracklist." sabi ng katabi kong si Xian. Naptango naman kami lahat at nag-isip ng mga maganda tugtog.
Nag taas naman ng kamay si Jason. "Bulong by December Avenue kaya?" nahampas siya ng katabi niyang si Albert.
"Ano 'to? sawi concert? Dapat 'yong masaya!" sabi ni Albert.
"Oo nga naman! You Belong With Me by Taylor Swift kaya?" tanong naman ni Claire. Puwede naman 'yon dahil halos lahat ng tao alam ang kantang 'yon kaya makakasabay sila sa pag kanta.
"Puwede." sabi ni Ate Marice at isinulat 'yon sa board.
Nag-isip pa kami ng sobrang dami hanggang sa maka-isip kami ng limang tracks; You Belong With Me, We Found Love, Raining In Manila, Uhaw, at Tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/358932996-288-k81092.jpg)
BINABASA MO ANG
A Cruel Summer With Him
RomanceLovers Series # 1 Kayleigh Contierre, a STEM student, is a girl who lives her life through the sight of books. She's an achiever, always striving to be at the top of her class to gain her parents' validation. Until that one cruel summer when she met...