Chapter 4
"Saan tayo, ma'am?" tanong ni Kuya Karlo.
I decided to buy some school supplies na. Masyado ring tahimik sa bahay kaya mas okay na lumabas nalang ulit ako.
"Sa mall po, Kuya." sagot ko at umandar na ang kotse.
A few minutes later ay bumaba na rin ako dahil malapit lang naman ang mall sa'min dito. Pumasok na ako at naramdaman ko agad ang lamig ng aircon.
Buti pa rito maingay at buhay na buhay ang lahat.
Pumunta ako sa National Book Store dahil doon naman ako lagi bumibili ng mga school supplies. Kumuha ako ng black and red ballpens, highlighters, binder, at Scientific Calculator.
Tumingin na rin ako ng mga libro. Mahilig din kasi ako magbasa from time to time, pampa-wala ng stress ba. Mostly english books ang binabasa ko. Kinuha ko 'yong libro na 'hooked' because it's about the villain falling in love chuchu. I'll just read it later pag-uwi.
Pumunta na ako sa counter at nagbayad ng mga pinamili ko. Mahal pala 'yong libro... sabi ko mag-iipon ako pero parang hindi ata matutuloy. Hayaan na.
Nilagay na niya ang mga pinamili ko sa paper bag tsaka inabot sa'kin. Nag thank you pa ako rito bago lumabas.
Mag palipas muna ako rito ng oras. Sayang naman ang lamig. Medyo nagugutom na naman ako, need ko na mag meryenda. Pumunta ako sa food court, nag tingin tingin muna ako bago pumunta sa Potato Corner.
Since then, favorite ko na talaga ito. Laging cheese or sour cream ang ino-order ko. For now, I want to try new flavors so I ordered barbeque.
Umupo muna ako dahil hinihintay ko pang maluto ang fries. Naalala ko pala si Kuya Karlo! Nakapag-meryenda na kaya siya? I should buy something for him, too!
Nagpa-iwan kasi si Kuya Karlo sa parking, pero inaya ko na samahan niya ako sa loob, pero ayaw. Close naman na kami ni Kuya Karlo, bakit ayaw niya pa akong samahan!
"Fries for Kay!" sigaw ng babae.
Napatayo na ako nang tawagin ang pangalan ko. Inabot ko na ang order ko at tinikman, jumbo lang naman ang in-order ko, sapat na siguro ito sa'kin.
"What should I buy kaya for Kuya Karlo?" I mummbled.
May turks naman dito... 'yon nalang kaya? Bili na rin ako ng drinks namin. After mamili ng foods ay naglakad na ako papuntang parking.
Naging boring na tuloy ang buhay ko dahil wala na ako sa probinsya! Kainis. Buti pa ro'n ay lagi kong kasama si Ange, dito mag-isa lang ako.
"Nako, Thank you! Nag abala ka pa," sabi ni Kuya Karlo.
Binigay ko na sakanya ang in-order kong meryenda sakanya— turks and fruit shake. Hindi ko pa rin ubos ang fries ko.
"Welcome po," sabi ko nalang.
After a few bites ni Kuya ay bumyahe na rin kami pauwi. Tahimik lang ako buong byahe.
Once I reached home, balak kong umakyat na para maayos ang gamit ko. Pag pasok ko sa loob ay bukas ang ilaw sa kusina at may taong nag-uusap sa loob.
"Nandyan ka na pala," my Mom acknowledged my presence. I walked towards them with a smile. Mom was wearing a glasses while reading some documents. Dad, on the other hand is typing in his laptop.
"Hi, Ma! Ang aga po ng uwi niyo ni Dad, ah?" sobrang saya kong makita ang magulang na nakauwi ng maaga! I saw Dad raced his eyebrows, and glanced at me for abit before bringing it back on the screen of the laptop. He's the strict one, while Mom is not that strict.
BINABASA MO ANG
A Cruel Summer With Him
RomanceLovers Series # 1 Kayleigh Contierre, a STEM student, is a girl who lives her life through the sight of books. She's an achiever, always striving to be at the top of her class to gain her parents' validation. Until that one cruel summer when she met...