Chapter 14

11 1 0
                                    

Chapter 14

Alam ko sa sarili kong matalino akong tao. Pero pag dating sakanya... nagiging bobo ako.

Ngayon ko lang talaga masasabing bobo ako. Bakit ba kasi hindi ko siya pinansin? Ano ba'ng problema ko? Edi sana ayos pa rin kami ngayon.

Bobong bobo ako sa sarili ko ngayon. Sa mga ginawa ko. Mga katangahan lahat!

I should do the initiative to explain things to him. Pag pasok ko ngayon, kakausapin ko na siya! Masyasong childish ang nagawa ko sakanya. Wala naman siyang ginagawang mali pero ako 'tong basta nalang siya iniwasan.

Nang makalabas ako ng gate ay walang Xian na bumungad sa 'kin. Dapat ngayon ay naka-park na ang motor niya habang siya ay nakasandal habang hawak-hawak ang helmet.

I started getting confused... kasi noong hindi ko siya pinapansin, lagi pa rin siyang naka-abang dito sa labas ng gate.

Bakit wala siya?

Is he mad? I mean... may karapatan naman siyang magalit dahil sa ginawa ko. Ang tanga tanga ko kasi.

Sumakay na ako ng jeep papuntang school. I was thinking some of the possibilities that would happen today; either he'll avoid me or not. Masasagot ang katanungan kong 'yan mamaya.

When the jeep reached the entrance of my school. I got off and went to our classroom. A few of my classmates were already here, Maxie was nowhere to be seen. Baka late na naman siya.

Inilibot ko ang tingin ko nagbabaka sakaling makita ko siya. My eyes lit up when I saw him. He was reading a book and was relaxed on his chair. Inilagay ko muna ang mga gamit ko sa upuan ko bago ako pumunta sakanya.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung naramdaman niya ba ang presensya ko dahil hindi naman niya ako nilingon. I stared at him while he reads his book. I was hoping that he would look at me but all his attention was in his book. Gano'n na ba talaga ka-interesting 'yan para hindi ako mapansin?

"Xian..." I voiced out. Hindi niya pa rin ako pinpansin.

I was expecting this. It's the consequence of me avoiding him. Pero, ngayong siya na ang hindi namamansin ay parang ano... masakit?

"Xia-"

"If you're going to ask about what happened last night. Don't worry I won't tell anyone. Na-i-report ko na rin kanina." mabilis niyang sabi habang nakatuon ang pansin sa libro.

That's not why I'm here for! I was wishing he and I could talk! I was ready to explain everything to him, to apologize for what I did.

Unfair din naman 'yong ginawa ko talaga. Hindi ko sinabi ang rason, basta iwas nalang ang ginawa ko. Karma ko na talaga 'to.

Malakas niyang isinara ang libro kaya nagulat ako. "Ano? May sasabihin ka pa ba?"

He was back to being masungit. I tried so hard not to make it look that what he's doing affected me. I gave him a small smile and shooked my head.

"Bumalik ka na sa upuan mo. Malapit na time ng first subject natin."

Bumalik ako sa upuan kong bigo. Ang sakit pala. Masakit na parang tinataboy niya na ako. Hindi ba gano'n ang ginawa ko sakanya? Galit lang siya at binabalik niya lang lahat ang ginawa ko.

Ayos lang. Kasalanan ko naman.

Ano nga bang karapatan kong mag reklamo at mag inarte kung ganitong ganito ang ginawa ko sakanya?

Was I expecting him to stay the same after all I did? Ang tanga ko naman talaga.

Our first subject ended quickly o hindi lang talaga ako nakinig. My attention was on Xian, so was my lingering thoughts. Ngayong naamin ko na talaga sa sarili kong gusto ko siya, nagagalit ako sa sarili ko because I pushed him away. I shouldn't have done that.

A Cruel Summer With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon