CHAPTER 14

128 51 14
                                    


"Enjoy the night, Daniel." nakangiting sabi ni Steffa sa'kin na nakatayo lang sa labas ng bahay, tumango naman ako sa kaniya before I went inside the carriage.


The academic-year-end party is being held tonight at Assylria Academy.


And I am already on my way papunta roon ngayon. Honestly, I am excited since this will be my very first party after coming here in Assylria.



Nakatingin lang ako sa labas ng dinaraanan namin dahil tinitingnan ko kung malapit na ba kami sa academy.


I could already see the gate of Assylria Academy when my carriage suddenly stopped, halos malaglag ako sa inuupuan ko dahil sa biglang pag tigil nito.


What the hell happened?



Muli akong tumingin sa bintana at agad na nakita ko si sir Reynold na papalapit. Kumatok ito at binuksan niya agad ang pintoan.



"Anong nangyari?" nagtataka kong tanong agad sa kaniya.


"Paumanhin, young master, pero may karwaheng biglang humaharang sa dinaraanan natin." sagot ni sir Reynold at bigla rin siyang napabuntong hininga.


"Kaninong karwa—"


"Hi, Daniel!!" isang matinis na pamilyar na boses ang narinig ko sa likuran ni sir Reynold which stopped me from talking.


Malawak ang ngiti niya habang makasilip sa loob kung saan ako naka upo.


Napabuntong hininga nalang ako at napasapo sa noo ko, "Charlize? What are you doing?"


She giggled, "I saw your carriage. So I was thinking if we could enter the banquet hall together." masiglang niyang sabi.


I sighed again after seeing her outfit, she's wearing a red long dress which suits her.


"Go back to your carriage, let's just meet at the entrance." sabi ko naman sa kaniya.


"Alright! See yah!" masiglang sambit niya at agad na umalis, napailing nalang ako at tinanguan si sir Reynold para isara na ang pinto at magpatuloy na sa pagpasok sa academy.


Suko na ako sa babaeng 'yun.


Charlize is a real headache. Hindi titigil 'yun hangga't hindi nangyayari ang gusto niya. Buti nalang hindi si Arlzen ang nakita niya ngayon.


Ilang beses na kasing bigla niyang inuutos na harangan ang karwaheng sinasakyan ni Arlzen, although it was only during class days, then sasabay siya dito sa pagpasok. Ilang beses ko na siyang nakitang kasabay ni Arlzen sa pagpasok sa school. Nong pinakaunang beses ay nagulat talaga kaming lahat, not just me but almost everyone present that day.

The Count's Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now