CHAPTER 21

96 44 11
                                    


"Young master, nandito na 'yung dinner—" Natigilan naman si Steffa ng makita niya ako.


"Lalabas ka na naman?" tanong niya at inilapag ang dalang tray sa center table.


Ngumiti naman ako at tumango, inayos ko rin ang ribbon sa dress na suot ko. Lumapit naman si Steffa sa'kin at tinulungan akong mag ayos since hindi pa ako tapos.


"Saan ka ba pumupunta at napapadalas yata ang paglabas mo tuwing gabe." she suddenly asked.


Natawa naman ako sa tanong niya, "Pangatlong beses palang ito ngayong season. Atsaka wala pa namang pasok kaya tatambay lang muna ako sa tabing dagat."


"Doon ka palaging pumupunta?" tanong niya naman ulit at agad naman akong tumango.


"Yup, ang ganda kasi roon tuwing gabe." sabi ko naman sa kaniya.


Malapit ito sa port at nasa pinakadulo ito ng Central. Medjo malayo ito mula rito sa bahay namin. Pero hindi naman ako maglalakad, palagi naman akong kumukuha ng pampasaherong karwahe, hindi ko naman pwedeng gamitin ang sariling karwaheng binigay sa akin dahil makikilala ako kung nagkataong may makasalubong akong kakilala.


"Done." Steffa announced as soon as matapos niya akong ayusan.


Tiningnan ko naman agad ang sarili sa salamin. Ang ganda~ ako ba talaga 'to? palaging ganiyan ang tanong ko pag nag aayos ako ng ganito.


But this time naka pigtail braid ang hair ko, and I am wearing a simple black and white dress na pinatungan ng black leather corset. Then pinatungan ko as usual ng black robe, or rather than what they call a black cloak, always ko 'tong sinusuot pag lumalabas ako.


"Thanks, Steffa." nakangiti kong sabi sa kaniya.


"Mag iingat ka." aniya as she waved her hand at me, tumango naman ako at magsimulang maglakad na palabas ng bahay.



Simula nong na tutunan kong mag lagay ng different colored eyes lenses at gamitin ang ibinigay na potion ni Steffa, kapag may time ako ay lumalabas ako ng bahay.


Pero since ngayon ay walang pasok, halos napapadalas nga akong lumabas just like what Steffa said.


It excites me pag lumalabas sa bahay na ganito ang porma, this literally gave me some excitement in my spine. Like, I really love wandering around the whole Capital looking like this since wala namang nakakakilala sa akin.


Although, I am not really openly showing everyone my appearance since for sure magtataka sila kung sino ba ang white haired girl na akala mo ay importanteng taong confident na confident kung ipakita sa iba ang itsura. Hindi ako ganon no.



If possible, I would like to roam around the Capital na wala may nakukuhang atensiyon kaya I am always wearing this black cloak.

The Count's Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now