As Steffa and I went to the Central Alley, agad na hinanap namin ang bookstore na sinasabi niya. And to be honest, we are not here for books.
"Hello costumers~" isang lalaki na satingin ko ay nasa late 50's na ang sumalubong sa amin, he has khaki hair and eyes, and I was surprised kasi katulad na katulad niya si Steffa.
"Steffa?" sabi niya ulit nang makita si Steffa na nasa likuran ko.
"Kamusta, uncle Willy..." kalmadong sambit ni Steffa.
Eh? Uncle??
"Nandito ka ba para sa gamot?" tanong nito kay Steffa, pagkatapos ay bigla itong tumingin sa akin, medjo nagulat pa ako, pero at least napansin niya ring hindi lang si Steffa 'yung dumating.
"Ikaw... Ikaw na ba ang anak ni Dalia?" biglang tanong niya parang nag ningning naman ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin.
"Eh??" napatingin naman ako kay Steffa dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaharap ko.
"Uncle, wag mong takutin si Daniel." Steffa suddenly said at kinaladkad ang uncle niya papunta sa counter, nakahinga naman ako ng maluwag at napatingin sa buong paligid.
Walang tao maliban sa uncle niya, maybe because the sun will start to set soon, pero marami ang librong naka display dito sa loob ng store niya.
"Sa susunod na linggo pa mag dedeliver ng bagong stock," rinig kong sabi ng uncle ni Steffa, "Ito lang ang meron ako ngayon, bumalik ka nalang ulit rito o mag utos ka ng taong pupunta para kunin ang order mo." sabi ulit nito, dahan dahan naman akong lumapit sa kanila para makinig sa pinag uusapan nila.
"Eh uncle, baka umalis na kami sa susunod na linggo, wala kaming madadalang gamot." sabi ni Steffa.
"Eh wala tayong magagawa, Steffa, sa susunod na linggo ang sabi sa akin ng aking suplayer." sabi ng uncle niya.
"Kung ito lang ang madadala ko, isang taon lang ang itatagal nito." sabi naman ulit ni Steffa habang nakatingin sa mga boteng nasa harapan niya.
"Ahm, excuse me..." Agad na napatingin naman silang dalawa sa akin. "Steffa, bumalik nalang tayo next week, I'm sure hindi pa naman tayo aalis niyan." sabi ko sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/315302196-288-k142497.jpg)
YOU ARE READING
The Count's Daughter (COMPLETED)
Tarihi KurguIt is always hard to move in this world and be who you really are. There are always people who are too selfish and could kill you. "Ipinanganak ako na hindi ipinaalam sa mundo ang tunay na pagkatao ko. I grew up like a different person. All my actio...