I really really want to try this on and wandered around in a public place.
"Young master?—"
Nagulat ako nang biglang pumasok si Steffa sa kwarto ko, kaya agad na itinago ko yung hawak hawak ko sa likuran.
"S-Steffa..." I mumbled, kitang kita ko ang pag seryoso ng muka niya at nakatingin rin siya sa baba ko as if she wanted to see the thing I've been holding and hiding from her sight.
"Ano 'yang nasa likuran mo?" seryosong tanong niya.
"A-ah, wala..." nauutal kong sagot kaya mas lalong naging seryoso ang muka niya at mabilis na lumapit sa akin.
"Wa-wala nga 'to." trying my best to avoid her, pero agad niya akong pinatalikod at mabilis na kinuha ang bagay na hawak hawak ko.
"Ano 'to?" seryosong tanong niya, "Saan mo 'to nakuha?" tanong niya naman ulit.
Napalunok nalang ako at humarap sa kaniya. Gosh, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ayokong magalit siya sa'kin. Oh god.
"Daniel!?" Halos mapatalon ako sa biglang taas ng boses niya, "Saan mo 'to nakuha?"
Alam kong galit na siya. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Pi-pinabili sa ko sa isang errand boy." mahinang sagot ko sa tanong niya, hindi ko naman magawang tumingin sa kaniya.
"Daniel naman! alam mo ba kung ano 'to? bakit ka may ganito? bakit? saan mo 'to gagamitin?" sunod sunod niyang tanong.
"Hindi ko alam, I just... I just want to try if bagay ba sa'kin." sabi ko naman sa kaniya habang hindi nakatingin sa kaniya.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang biglang paghawak niya sa noo niya, "I'm sorry." malungkot na bulong ko as I glanced at her, she looks so disappointed in me, kaya ibinaba ko ang tingin ko.
"Daniel." naging malambot naman bigla ang boses ni Steffa, bigla rin siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko, kaya tumingin ako sa kaniya.
Nakita ko agad ang pagbuntong hininga niya, "Bakit hindi mo sinabi sa'kin na meron ka nito? Bakit hindi mo sinabing gusto mo nito?" tanong niya, bakas sa boses niya ang pag aalala.
Umiwas lang naman agad ako ng tingin.
"Pano kung ipagkalat nong inutusan mo na nagpabili ka ng ganito?" aniya naman ulit.
Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.
"Dapat sinabi mo sa'kin..." mahinang sambit niya, "... Ako nalang sana ang nag utos na bumili ng ganito kung gusto mo talaga nito."
Napatingin naman ako kay Steffa dahil sa sinabi niya.
"Sorry, hindi ko alam kung gaano mo talaga ka gusto ang..." hindi na ituloy ni Steffa ang gusto niyang sabihin dahil biglang may luhang pumatak sa mga mata niya.
"Steffa..." nagaalala kong sambit, "Bakit ka umiiyak?" nag aalala kong tanong sa kaniya.
She just shook her head at pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata niya.

YOU ARE READING
The Count's Daughter (COMPLETED)
Historical FictionIt is always hard to move in this world and be who you really are. There are always people who are too selfish and could kill you. "Ipinanganak ako na hindi ipinaalam sa mundo ang tunay na pagkatao ko. I grew up like a different person. All my actio...