LABING - LIMA

1.4K 44 7
                                    

THANK YOU FOR MAKING IT UP TO THIS CHAPTER.
ENJOY READING!

°°°



ALEXSANDREA


SABADO.


Nandito ako sa auditorium,
Nakaupo ako ngayon kasama ng marami pang estudyante na kagaya ko ay kasalukuyang nakikinig sa seminar and training para sa mga katulad kong nasa business course.



Pinipilit kong gisingin ang sarili,
Ilang araw na akong kulang sa tulog.
Parang nag-aadjust parin ang katawan ko sa bagong bahay na tinitirahan ko.



Ang kapatid ko nga ay panay ang video call at chat sa akin, kung kailan naman daw siya umuwi ay saka ako umalis ng bahay — drama king talaga. Minsan pa nga ay kinukumusta ako nito kung ayos ba ang samahan namin ni Goliath....Ok naman kami, sobrang busy ng anteh niyo, habang para akong kasambahay niya dahil ako ang in-charge sa gawaing-bahay.




Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Ate Jade, hinahanap daw ako dahil nga nagkausap na kami tungkol sa performance na ipinangako ko sa kanya. Napagdesisyunan kong kumanta nalang at tumugtog ng gitara dahil hindi ako nakapaghanda ng sayaw.





Sa stage ay kasalukuyang pinapakilala ng host ang mga inimbitang mga bisita na siyang magbibigay ng seminar sa amin.



Sa totoo niyan ay hindi ko parin mapigilang ma-excite dahil sigurado ako na mga kilalang negosyante ang magbabahagi ng mga personal nilang karanasan sa 'min.



Unang ipinakilala ng host si Mr. Eric Jameson, isa sa mga guest speaker and a CEO of a multinational company. Tutok na tutok ang mga mata namin habang nakikinig sa mga sinasabi ng tao sa harapan, ang bawat salita ay mistulang aral na dapat naming matutunan. Kasama na dito ng istorya kung paano siya nagsimula, paano siya hinamon ng tadhana at kung paano siya bumangon at naging matagumpay.




Sunod na nagsalita ay si Miss Ayi Chen, isang kilalang businesswoman sa larangan ng teknolohiya. Sinasabi niya ang kahalagahan ng pagsunod sa pagbabago at pagiging moderno ng mundo kaya nararapat na pati ang kaisipan ng mga negosyanteng kagaya niya ay maging moderno din.




Bago matapos si Miss Chen ay nilapitan na ako ni Ate Jade, kailangan ko daw muna magperform para naman daw may konting entertainment.




"it is with great pleasure that we offer you an intermission number from our cherished student from the Master of Business Administration program, ladies and gentlemen, before we move on to our next guest speaker. Please Welcome, Alexsandrea Leigh David!"




Nagpalakpakan ang mga tao, hindi ko alam na marami palang nakakakilala sa akin dito....ayos!



"Go Babe ko!"



"Asawa ko yan-!"



"Hoy! Alexsandrea pakasalan mo ako-!"



Samu't-saring komento mula sa mga audience ang naririnig ko kaya naman natatawang kumaway na lang ako sa kanila.


Inayos ko muna ang tono ng gitara at mikropono para walang aberya pag nagsimula na akong kumanta.



REALIZE
by Colbie Calliat


Take time to realize
That your warmth is
Crashing down on me

David and Goliath (GL) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon