ALEXSANDREA
*1 new message received*
Ginising ng tunog ng message alert tone na iyon ang masarap na tulog ko,
sa inis ko pa nga ay padabog na kinuha ko ang telepono na nasa bedside table.5:45 AM
Iyon ang bumungad sa akin.
Napakaaga pa naman pala, mga bandang alas-otso ang pasok ko sa opisina kaya naman sinusulit ko ang oras ng pahinga na mayroon ako, tutal nasa kinse hanggang trenta minutos lang ang biyahe mula dito sa tinutuluyang apartment hanggang sa trabaho ko.
Binuksan ko ang message sa cellphone at ganoon nalang ang inis ko ng makita kung ano ang nakasulat doon at kung sino ang sender. Si Goliath!
GoLiaTh
Tinola.Yun lang ang nakasulat do'n kaya talagang nakakapikon — pa'no ba naman mang-iistorbo ka ng tulog tapos parang napakalaking kawalan kung pa-aabutin manlang ng isang sentence ang message na ise-send.
Yun ang talaga ang inilaan kong contact name para sa kanya — bagay sa height niya.
Simula ng makilala ko ito ay hindi manlang lumampas ang anim na salita ang laman ng lahat ng messages niya.
kaya naman bilang isang mabuting nilalang ay agad akong nagtipa ng reply.GoLiaTh
Tinola.Me
K.
Oh diba ang galing ko?
Eh di quits na kami.Tutal gising na ako ay bumangon na ako at naghilamos.
Nagtungo ako sa kusina at nagluto nalang muna ako ng agahan, sapat lang ang ihinanda kong pagkain dahil ako lang namang mag-isa ang tumuloy dito.
HOTSILOG lang naman yun kaya mabilis lang.
Kung hindi ka pamilyar HOTdog , SInangag at itLOG ang ibig sabihin nun at siyempre hindi mawawala ang mainit na kape....Yum!Bumalik ako saglit sa kwarto at kinuha ang laptop at papeles na kailangan ko sa trabaho.
Ayos naman ang apartment na tinutuluyan ko, mayroon lamang itong isang kwarto at sa tingin ko naman ay magkakasya sa bahay na ito ang pamilyang may tatlong miyembro.
Ang kulay ng dingding ay yellow green ngunit hindi masyadong matingkad ang timpla at ang tiles naman sa sahig ay may disenyong parang sa kahoy.Walang masyadong dekorasyon sa dingding maliban nalamang sa hanging bookshelf na ako mismo ang naglagay, minimalist kumbaga.
Makikita mo ang style na yon sa halos buong bahay mula sa maliit na sala na may tv lang at isang two-seater sofa na kulay itim.
Sa kwarto ko naman ay ganon din ang kulay. mayroon lamang akong double-sized bed, study table at cabinet at maliit na banyo sa loob ng kwarto ko.
Kahit na simple ang ayos ng bahay ay sinisigurado ko naman ang kalinisan nito.
Nang makabalik ako sa lamesa ay humigop muna ako ng kape bago binuksan ang laptop para i-check ang email ko.
Sa dami ng trabahong dapat kong asikasuhin ay parang gusto ko nalang mag-resign at mag-travel -charot lang dami kong bills haha.
Higit isang oras ang ginugol ko sa harap ng laptop ko bago ko naisipang maligo at magbihis para pumasok sa opisina.
BINABASA MO ANG
David and Goliath (GL) (EDITING)
RomanceShe was the Boss, The typical cold-hearted bitch. While she was a hard-working employee. Everything was perfect until one piece of paper and a careless lie change their perfect separate lives. (This is a work of pure fiction and NOT related to the o...