TATLO

1.5K 51 2
                                    

ALEXSANDREA


"I was invited to an event wherein every famous names in the Business World is going to attend, It is a perfect time for us to seek new partnerships and opportunities, And I am saying this because I need you to be my plus one."
sabi nito sa akin isang araw.




"Po?"
Luh? Bakit ako?
Ilang buwan na akong nagtatrabaho dito kaya naman pamilyar na din ako sa boss namin.
medyo close ganon, pero medyo lang.




"Well, most of the time I was accompanied by my daughter but as we both know, she is out of the country doing business trips—" paliwanag nito at nagbigay linaw sa sasabihin ko.




"— at saka isa pa siguradong may kakalat na kung ano-anong balita pag bigla akong mag-imbita ng kung sino dito sa kumpanya." mahabang paliwanag nito na pinakinggan ko lang at simpleng tumango.






Oo nga naman.
Baka isipin pa nung iba na type sila ni Chairman eh.



"And you don't need to worry about your dress, it's on me. I already asked a friend to help you find something to wear."
dugtong pa nito sa sinabi niya kanina lang.





Bakit kasi di ka maghanap ng jowa Chairman, bata ka pa naman ah?!



"I don't have time for that nonsense Miss David, My life revolves around the company and my daughter."
biglang sabi nito sa 'kin.




Hala! Nasabi ko pala ng malakas yon?


Sorry naman.


Ngumiti lang ako ng alanganin dahil medyo nakakahiya yung nangyari pero napaisip din ako.



Ang swerte ng unica hija ni Chairman, biruin mo focus lang sa kanya ang daddy niya.
Sobrang makikita mo na mahal na mahal siya nito.





Actually, minsan ko nang naitanong kay Chairman kung nasaan ang mommy ni Ma'am Lia tapos ang sinabi lang nito ay nagkasakit daw ito ilang buwan pagkatapos ipanganak si Ma'am kaya hindi na niya ito nakita kahit kailan.




Oh diba?
Lakas ko kay Sir? Libre chika.



°°°


Wow!


Ang ganda ko!



Iyon lang nasabi ko ng makita ko ang ayos ko para sa gaganaping event na sinasabi ni Chairman.



Ngayon na kasi iyon, umaga palang dumating na ang mga gagamitin ko sa event.
Mula ulo hanggang paa kumpleto, pati nga stylist at make-up artist meron din kaya naman confident ako na mukha akong sosyal mamaya.




Ang sabi pa ni chairman ay dun na lang kami magkita sa venue dahil may aasikasuhin pa siya kaya ipapahatid-sundo nalang ako sa driver nila.




David and Goliath (GL) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon