ALEXSANDREA
Nandito ako ngayon sa office ni Lia,
pinatawag niya kasi ako at may kailangan daw kaming pag-usapan.May problema na naman kaya?
Bumaba ang sales?
Palpak ang advertisements?Nakita ko ang executive assistant niya at sinabihan ako nitong tumuloy na.
Nakaupo ito at seryosong nakatingin sa laptop niya, kunot na kunot ang noo at naka-focus sa screen.
"Ma'am Lia?"
Tanong ko.Siyempre Ma'am padin ang tawag ko sa kanya pag nasa opisina kami — Baby ko naman kasi siya sa bahay, Huy!
"Come here.''
Hindi ito nakatingin sa akin at sobrang seryoso ng tono niya.Nakakatakot!
May nagawa ba 'ko?
"Look at this."
Napapalunok pa ako habang lumalapit.
Mama, Papa...magkikita na tayo sa wakas
Paalam, kuya.Napatingin din ako dun sa screen ng laptop niya.....Detective Conan!
Napakunot ang noo ko sa nakita, ano 'to?"Detective Conan?"
"Sino sa tingin mo ang criminal? locked room murder tapos cursed mask at kutsilyo ang clue."
Seryoso ba 'to?"What the heck?!"
bulalas ko ng mapagtantong walang kaugnayan sa trabaho ang ginagawa niya."Hanep, akala ko naman importante ang pag-uusapan natin, balik na 'ko sa office ko ma'am."
sabi ko at tumalikod na, pero ang magaling na babae ay niyakap ako sa bewang kaya napaupo ako sa kandungan niya."Stay."
"Lia, baka may makakita sa'tin dito?!"
pilit akong kumakawala pero lalo niyang hinihigpitan ang kapit niya. Aba mahirap na, hindi ba't bawal ang landian kapag office hours?"I need the energy, kailangan ko ng pampa-good vibes dahil may sumira ng araw ko."
tumahimik at pumikit ito bigla pagkatapos ay sumandal sa akin. Pinagmasdan ko lang ang kaniyang mukha, bakas man ang pagod ay di nakabawas 'yon sa taglay niyang kagandahan.Hinalikan ko na lang ito sa noo, at hinayaan siya sa gusto niya...mga ilang minuto din ang tinagal nuon pero maya-maya pa ay narinig ko ang pagtawag nito sa intercom.
"Mich, tell John to come into my office immediately."
Umayos na ako ng tayo at baka dumating si John, ang chief financial officer na pinalit kay Austin.
Nandito ako sa couch na nakapwesto sa office niya, tinatanaw ko lang ito habang pareho naming inaantay ang pagdating ni John Loggins. At siyempre naglagay ako ng laptop at papers para kunwari busy din ako.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating ang isang morenong lalaki sa opisina.“What is the meaning of this, Mr. Loggins?”
Kahit ako ay nakaramdam din ng takot sa tonong iyon ni Lia, halatang nagpipigil ito ng inis. Kita ko din ang naging paglunok at sunod-sunod na pagkurap ni John.Walang nagawa kundi yumuko ang lalaki, ramdam ko ang kaba at takot sa empleyadong ito.
“I— I’m sorry, Ma'am Lia. I can explain.”
BINABASA MO ANG
David and Goliath (GL) (EDITING)
RomanceShe was the Boss, The typical cold-hearted bitch. While she was a hard-working employee. Everything was perfect until one piece of paper and a careless lie change their perfect separate lives. (This is a work of pure fiction and NOT related to the o...