ALEXSANDREA
Chairman Calling ....
Iyon ang nabasa ko sa telepono niya,
Magkahalong hiya, inis at panghihinayang ang nararamdaman ko.
Wrong timing ka naman chairman!
Nandun na eh!
Pero kung hindi tumawag ang chairman hanggang saan ka aabot, sige nga?
Handa ka ba?
Estranghero sa akin ang halo-halong emosyon na naibibigay ng babaeng iyon sa akin na ngayon ay kausap ang ama niya.
Lumayo pa ito ng konti pero kitang-kita ko naman ang pagkumpas ng kamay niya at ang paikot-ikot niyang paglakad na tila ba nakikipagdiskusyon sa kausap.
Hindi ko naman first-time makipagrelasyon,
Nasubukan ko rin naman iyon subalit hindi nagtatagal dahil na rin sa kawalan ko daw ng oras at atensyon sa kanila.I mean, nasa kolehiyo pa yata ako ng huling makipagrelasyon sa lalaking nakipag-break dahil hindi niya daw maramdaman na may girlfriend siya.
Wala eh, busy ako sa acads dahil sa scholarship ko, idagdag pa ang part-time job ko na sumusuporta sa allowance ko.
Pero ang babaeng ito ay kakaiba, nagawa niyang guluhin ang sistema ko at halu-haluin ang emosyon at puso ko.
'I don't love her. Not even a bit'
Iniwas ko ang tingin sa kanya ng maalala kong muli ang mga salitang iyon.
Hindi mo naman pala ko gusto pero bakit ginugulo mo ang puso at isip ko?
Ano ang gusto mong patunayan?
Sa'kin ka ba gumaganti dahil napilitan kang sundin ang utos ng tatay mo?
Pinaglalaruan mo ba 'ko?Kung iyon nga ang rason ay talo na ko.
Talong-talo na ako dahil hindi ko yata kaya ang umiwas pa. Habang lumilipas ang araw ay nahuhulog akong lalo habang unti-unti ay nabubunyag ang katotohanan ng magulong pagkatao niya.
Sobrang layo niya ngayon sa Goliath na nakilala ko noong intern palang ako.
Yung Goliath na kinakatakutan ng lahat dahil aalisin kaniya sa trabaho ora mismo pag pumalpak kang gawin ang inuutos niya.Maswerte lang ako noon dahil may tiwala sa akin ang chairman at dati nitong sekretarya na si Miss Eva kaya hindi ako naalis sa trabaho.
Isa pa, madalang ko itong makita noon sa opisina dahil panay ang alis nito at pagkikipag-meeting sa loob at labas ng bansa.
Naalala ko pa nga ang unang engkwentro namin.
FLASHBACK
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga papel na gagamitin sa shareholder's meeting.
Maski ang projector na gagamitin ay na-check ko na din, ang totoo niyan pati iyong mga documents na nakalagay sa folder ay isa-isa kong tiningnan para masigurado na walang error sa mga nakasulat doon."What are you doing? Why are you checking it one by one?"
Tanong sa akin ng kung sino at hindi na 'ko nag-abala pang iangat ang ulo para makita siya.
BINABASA MO ANG
David and Goliath (GL) (EDITING)
RomanceShe was the Boss, The typical cold-hearted bitch. While she was a hard-working employee. Everything was perfect until one piece of paper and a careless lie change their perfect separate lives. (This is a work of pure fiction and NOT related to the o...