LABING - APAT

1.4K 46 3
                                    

READ AT YOUR OWN RISK.

°°°

ALEXSANDREA



Hindi kami nag-uusap buong biyahe.
Ayos lang, tutal hindi ko naman alam ang sasabihin ko at iniisip ko parin kung kelan yung sinasabi nung may-ari na galing siya sa bahay.Pinilit ko ang 'wag makatulog dahil hindi naman ganun ka layo ang unit ni Goliath sa apartment ko. Doon nalang ako matutulog, okay naman siguro ang guest room baka naman nalinis na niya.






"We're here."
sabi niya nalang at lumabas na ng kotse, hindi ko nga namalayan na nasa parking area na pala kami. Agad naman akong sumunod sa kanya at sabay kaming pumasok sa unit niya.
Pero siyempre siya parin ang kumuha ng gamit ko — ewan ko dito ba't ang bait, siguro may atraso.





Dala-dala niya ang gamit ko habang paakyat sa taas ngunit nagtaka ako dahil hindi sa direksyon ng guest room siya pumunta.




"Bakit d'yan mo dinala ang gamit ko?"





"You'll be sleeping in my room and on my bed."
simpleng sagot lang nito sa'kin.




Ha?



"No it's okay, sa guest room na lang ako."
sabi ko dito at kukuhanin sana ulit ang mga gamit ko na dinala na niya sa kwarto niya.




"We're going to turn the other room into a home office that we can use together."





Ah ganun pala!




"Do you think that's okay? I mean, you're cool with us sleeping in the same bed and using the same room?"
tanong ko mahirap na at baka sa sahig pala ako matutulog dito.






"Yeah."
parang yamot pa na pagkakasabi nito at any moment ay maiinis na siya sa kakulitan ko.




Para naman hindi ako mukhang tanga dito sa labas ay sumunod ako at pinagmasdan ko siyang ilagay ang gamit ko sa isang gilid.




Nang ilibot ko ang paningin ay talagang laglag ang panga ko sa itsura ng kwarto niya.




Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang nakasabit sa dingding na banner, napapalamutian ito ng rose petals at may nakalagay na 'Welcome Home'.
Maging ang headboard ay may palamuting ribbon at may nakasindi pang kandila sa isang  side nito. At ang pinaka nakakagulat sa lahat ay  nagkalat ang rose petals at nakasinding kandila sa palibot ng kwarto lalo na sa kama na may nakasulat ding 'Welcome Home' na katulad ng nakasabit sa dingding.

 At ang pinaka nakakagulat sa lahat ay  nagkalat ang rose petals at nakasinding kandila sa palibot ng kwarto lalo na sa kama na may nakasulat ding 'Welcome Home' na katulad ng nakasabit sa dingding

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Wow!




Naubusan ako ng sasabihin at hindi ko mahanap ang tamang salita na dapat sabihin.
Napatingin lang ako kay Goliath na nakatayo lang at parang walang kakaiba dito sa kwarto.
Blangko ang ekspresyon ng mukha nito at walang pasabi lang na tinungo nito ang lamesa na may nakalagay na bote ng Carpano Antica Formula 1786 Vermouth at dalawang wine glass, pero agad ding umalis doon.





David and Goliath (GL) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon