DALAWANGPU

1.1K 33 5
                                    

ALEXSANDREA


Nandito ako ngayon sa bahay ni Kamila,
Dito ako dumiretso galing sa opisina.
Ayoko pa umuwi, nakahiga ako ngayon sa kama niya. Katatapos lang namin ng hapunan at ang lola naman niya ay namamahinga na din sa kwarto nito.


Simple lang naman ang bahay nila, bungalow type lang na bahay at may dalawang kwarto.
Puti naman ang pintura ng halos buong bahay at makikita mo naman na maayos at malinis sa bahay ang nakatira.



"B-bunso, sigurado ka ba? dito ka talaga mag-stay baka hanapin ka ni Ma'am...lagot ako."



Kalalabas lang nito mula sa banyo.


"Sorry talaga ate, ngayong gabi lang promise. Naiinis padin kasi ako sa kanya. Akala siguro niya isang 'sorry' lang ayos na."





FLASHBACK

"Sshhhh....Babe, I'm sorry, please don't cry."
Pinunasan nito ang mukha ko gamit ang panyo na hawak niya.



Hinawi ko ang kamay niya at kinuha ang panyo na hawak niya.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin kung maayos ba ang itsura ko pagkatapos ay inabala ang sarili sa labas.


Nagpatuloy ang biyahe naming walang imikan, ng huminto ang kotse ay agad akong lumabas at dire-diretsong pumasok sa loob.
Maaga pa naman, walang masyadong tao.
Maski nga ang mga tao sa lobby ay nagtataka dahil sa itsura ko, marahil ay hindi sila sanay makita ang seryosong ayos ko.



Naririnig ko naman ang yapak ni Goliath sa likod ko, sigurado akong siya 'yon dahil sa amoy ng pabango niya. Agad akong dumiretso sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang opisina ko.




Pagbukas palang ng pinto ng elevator ay nakita ko na ang mukha ni Goliath na nag-aabang at magka - krus ang braso.




"Lexi, please....sorry."





Tiningnan ko lang ito, sinikap kong gawing poker - face ang itsura ko.





"Good Morning, Ma'am...excuse me."
Pormal na bati ko lang dito at nilagpasan na siya at pumasok ng opisina ko.
Nakita ko pa nga si Kamila na nag-aayos ng mga files sa loob.





"Good Morning Ma'am Rei....Good Morning Ma'am L-Lia?"




Bakas sa itsura nito na naguguluhan siya sa nakikita, nang magtama ang paningin namin ay tiningnan niya ako na parang kini - kwestiyon ang dahilan ng pagpunta ng lady boss sa opisina.






"Kamila, what's my schedule for today?"
Seryosong tanong ko.




"U-uhm clear ang morning schedule n'yo, then lunch meeting with Mr. Mendez, our Senior Marketing Manager since the Department head was on leave."
Agad naman nitong sinabi ang schedule ko.




"How about reservations? a nearby restaurant or something?
tanong ko ulit.




"Okay na po naayos ko na po yung reservation."



"Good."




Sabi ko at pagkatapos ay saka ko naman binalingan si lady boss na nandito padin pala sa loob.




"Yes Ma'am Lia, What can I do for you? you need anything?"



"Lexi, can we talk?"
akmang hahakbang ito papalapit pero umatras ako.


David and Goliath (GL) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon