APAT

1.5K 46 11
                                    

ALEXSANDREA



(PRESENT TIME)



Nagising ako bandang alas sais y media na ng umaga. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at bahagya pa akong nagtaka ng mapansin na hindi ito ang apartment ko.




Hala!



Saka naman unti-unting nag-flashback sa isip ko lahat ng nangyari, oo nga pala dito na 'ko natulog sa unit ni Goliath.



Niligpit ko muna ang hinigaan ko bago ko nagpunta ng banyo at nag-ayos ng sarili.



Pagkatapos ay bumaba na lang ako sa kusina para maghanda ng almusal.



Parang gusto ko ng pancakes!
Buti nalang meron siyang Pancake Mixture dito, add ka nalang ng eggs, konting butter tapos water ay okay na.




Bukod sa pancakes, naisipan ko na din mag-prepare ng hotdog and bacon tapos coffee para magising na ng tuluyan ang diwa ko. Humigop muna ako ng kape at ibinaba ito sa lamesa bago ko naisipan na isalin sa plato ang huling piraso ng pancake nang di ko mapigilan ang mapamura nalang sa gulat!



"Fuck."
napamura ako at napasapo ang kamay sa dibdib ng paglingon ko ay nakatayo si Goliath at nakahalukipkip pa! pambihira.





"Bakit ka ba nanggugulat?....Kabute ka ba, kung saan-saan ka sumusulpot?!"
di ko na napigilan ang pag-andar ng bibig ko sa kakasalita habang ang kausap ko naman ay nakatingin sa akin ng walang emosyon.





Tinaasan lang ako nito ng kilay at dahan-dahang humakbang papalapit sa akin.
Naramdaman ko naman ang pag-dagundong ng puso ko sa kaba!
Parang bigla ay nakalimutan ko kung paano huminga at gumalaw, tinubuan na yata ako ng ugat dito!




Galit ba 'to dahil pinakialaman ko ang kusina niya?


O baka naman dahil may kaunting kalat dito na lilinisin ko din naman mamaya?


O baka dahil di ko siya ginising?
Di ko na alam.



Nakakatakot kasi tingnan ang seryosong mukha nito lalo na sa malapitan kahit gaano pa ito kaganda.



Nang yumuko ito ng bahagya sa harapan ko ay napapikit ako ng mariin habang pigil-pigil ko ang sariling hininga.



Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na may sumakit bigla bandang noo ko,
kasi naman pinitik ako ng baliw na 'to!




"You look stupid."
sabi lang nito sa akin at kinuha ng tuluyan ang plato na di ko namalayan na hawak ko parin pala. Ito nadin ang kumuha ng plato na gagamitin.



Ano daw?
Ang aga stupid agad ang lumalabas sa bibig neto?! Eh, di ikaw na ang genius!



Lumapit na 'ko sa lamesa at nagsimula na rin kumain.



Hindi na ko umimik pa pero itong si Goliath bigla nalang dinampot ang tasa kong may kape sabay humigop din doon....
Close tayo teh? maka-inom ka sa kape ko eh.




Sa totoo lang nagulat ako ng kinuha niya bigla ang tasa ng kape ko at uminom doon.
Akala niya yata ay para sa kanya ang itinimpla ko.



Hindi ko rin naman mahanap ang lakas ng loob para sabihin sa kanya na para sa akin yung kape dahil sa pagkakatanda ko kasi ay laway-conscious ang isang ito, ayaw niya ng may nakiki-inom sa baso niya, makikigamit ng kutsara niya at kung ano-ano pa na kung hindi ka sanay ay iisipin mo na kaartehan lang.





David and Goliath (GL) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon