LABING - PITO

1.4K 38 5
                                    

ALEXSANDREA


"Happy Monthsary, my wife."
Nagulat pa ako ng sabihin niya iyon sa akin.
Tumayo ito at kumuha ng robe saka isinuot.
At pagkatapos ay inabot sa akin ang isa pa.
Saka lumapit ito sa champagne at nagsalin sa baso.



"You knew?"
Tanong ko habang sinusundan siya palabas sa deck at may hawak na dalawang wine glass.



"Of course, I knew that this is our 5th-month of being married and Valentine's day, also."


Kusang nag-unahan ang mga luha na pumatak sa mata ko. Lumapit naman ito agad at pinunasan ang luha ko gamit ang daliri niya.



"Hey, babe why are you crying?"



Babe.
Ngayon ko lang narinig na tawagin niya ako ng ganon, napakasarap pakinggan.
Umiling lang ako, ang arte ko na masyado.
Sobra akong nagiging emosyonal pagdating sa babaeng 'to.



Akalain mong magtatampo pa 'ko dahil hindi ako binati ng 'happy valentine's day'. tss.



"Akala mo siguro, nakalimutan ko 'no?"
Tanong nito at kahit pa nahihiya ay tumango nalang ako, pagkatapos ay umalingawngaw ang halakhak nito sa kwarto.


"Why are you doing this?"
Hindi ko mapigilan itanong sa kanya iyon.
I mean, just because we're married?


"I thought you were smart."
Ngumisi pa ito at umiling-iling.



Ha?


Ano?


"Gago mo!...tinatanong ng maayos eh."
Hinampas ko pa ito na ikinatawa n'ya lang.


"I like you, you dumbass."
Tila hindi agad rumehistro sa utak ko ang sinabi niya na para bang isa iyong bagong salita.


"Sorry, ano ulit baka mali ako ng dinig eh?"
parang dinadaya ako ng tenga ko eh.


"I like you so much, Mrs. Alexsandrea David-Gomez."


"Seryoso?"
Ang bagal talaga ng utak ko magproseso, hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
Ako? Giliana likes me?




"Babe, why would I waste my time doing all of this, if I don't like you?"
nakataas pa ang kilay nito.




"Eh kasi asawa mo 'ko? asawa kita?"



"I like that!...you calling yourself my wife."




Napangiti nalang ako sa narinig, ang totoo niyan pinipilit kong panatilihin na pormal ang itsura ko, pero halos masugat na ang labi ko sa sobrang pigil ngumiti at kiligin sa mga sinasabi niya.



"I like you too."
pag-amin ko naman at tuluyan ng napangiti sabay ng pakiramdam ng tiyan ko na parang may lumilipad na paru-paro —kilig much!



"I know."
Ay oh, ang taas ng confidence-level!
Sinabi niya yun na para bang matagal na niyang alam iyon.



"Ang yabang ah!"
sagot ko na tinawanan niya lang.



Napapangiti ako sa tuwing iniisip ko na unti-unti kong nakikilala ang babaeng pinakasalan ko.



"So that makes us official, then?"
diretsong nakatingin ito sa mga mata ko, dahilan para magwala ang puso ko na para bang lalabas sa dibdib ko.




David and Goliath (GL) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon