LIMA

1.4K 45 6
                                    

ALEXSANDREA


Nandito kami ngayon ni Lia sa isang mamahaling restaurant.
Nagpalingon-lingon muna siya na parang may hinahanap. Di naman nagtagal ay lumapit ang isang lalaki sa table namin.




"My lovely daughters! It's good to see you both."
sabi nito pagkatapos ay niyakap at hinalikan ang anak.




"I miss you Dad."
Si Lia na yumakap at humalik din pabalik sa ama.




Napangiti naman ako sa nakita, nakakatuwa isipin na parehong strikto at may nakakatakot na aura ang mga ito sa trabaho pero malambot pagdating sa isa't-isa....ang cute!




"Alexsandrea, It's good to see you."
bati nito sa'kin at bahagya pa akong nagulat ng niyakap din ako nito.



"How's your trip chairman? mukha pong nag-enjoy kayo mag-travel."
bati ko nalang dito ng makabawi ako sa gulat.




"Never been better...and why are you still calling me chairman, lady? Ilang buwan na kayong kasal pero chairman padin ang tawag mo sa'kin....You should call me dad, my daughter-in-law."
di nakaligtas dito ang pagtawag ko sa kanya ng chairman.




"Y-yes Dad. Nakasanayan ko lang po talaga ang chairman at mahirap na alisin."
paliwanag ko dito.





"Let's sit, I'm hungry."
Sino pa ba ang babaeng ipinanganak na may attitude? siya lang naman.





Di na ko nag-abalang alamin ang order nila at nag-focus sa order kong karne na Apricot-Glazed Corned Beef saka umorder lang ako ng juice pagkatapos ay Filipino Créme Caramel for dessert....yum!



Kanya-kanya muna kami ng buhay at binuhos ang atensyon sa mga kinakain namin.
Mukhang pare-pareho kaming gutom dito.




Okay na sana kaya lang biglang nagsalita itong si chairman.



"So Alexsandrea, are you seeing a doctor or a clinic?"
tanong nito sa'kin na hindi ko naman nakuha agad ang ibig sabihin dahil abala ako sa pagkain ng Leche Flan ko.



'Clinic, why?'




Umiling lang naman ako biglang tugon pero mukhang di nagustuhan ni chairman ang sagot ko dahil malalim itong napabuntong hininga.




"Goodness Giliana!...when are you going to give me a grandchild?"
napapailing pang sabi nito sa anak niya na ikinagulat ko pa.





Hala siya?




"Come on Dad, Stop with the drama."
simpleng tugon lang nito sa ama niya.



"What is the point of having two daughters who were perfectly healthy if both of you are still not working on giving me a grandchild?" di pa natatapos itong si manong sa ipinaglalaban niya.






"C-chairman, I mean Dad kayo na din po ang nagsabi na ilang buwan palang kaming kasal kaya hindi pa namin napag-uusapan yan. Sa ngayon po kasi ay nakatuon ang atensyon namin sa trabaho lalo na po at malapit na ang launch ng bagong tower condominium ng Al-Go Elite Company."
mahabang paliwanag ko nalang para matapos na.




"Sabagay, but my daughter can work on that. I want you to focus on your new assignment...And that is to give me a grandchild."
seryosong sabi nito at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.





David and Goliath (GL) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon