ALEXSANDREA
MIYERKULES.
Sobrang nasulit ko ang natirang araw sa Hidden Cabin's Resort kasama si Goliath.
Kahit hindi nagkatotoo ang isang linggo sana naming bakasyon doon.Pero enjoy parin.
Parang ayaw ko pa nga umuwi pero wala akong choice at may klase pa ako sa Sabado
Nakatambak na rin ang trabahong kailangan kong harapin sa kumpanya.Kaya naman nagpahatid ako kay Goliath sa apartment ko, noong una ay ayaw niyang pumayag pero kalaunan ay napilit ko.
Kasalukuyan akong naghahanda dahil papasok na ako sa opisina.
Light blue chiffon long sleeve polo at Black solid high waist bodycon skirt.
Ayos na yan!Inayos ko nalang ang buhok ko ng fishtail bun at naglagay ng light make-up para mas presentable.
Hindi na ako nagkaroon ng oras mag-luto dahil ayokong mahuli sa trabaho.
I should set as an example to my co-workers diba?Pagka-lock ko ng pintuan ay may kung sinong nagtakip ng mga mata ko.
"A-ano ba? sino ka ba?!"
inis kong inalis ang kamay na nakatakip sa mata at hinarap ang taong iyon na ikinagulat ko ng mapag-sino."Oh my Gosh! I missed you!"
niyakap ko ng mahigpit ang bagong dating at di ko mapigilan ang lumuha."Baby, na-miss din kita."
yumakap din ito sa akin at hinalikan ang noo ko pagkatapos ay pinunasan ang mga mata ko.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakayakap sa kanya na parang ayaw ko ng humiwalay.
"Napaka-iyakin mo talaga, nandito na nga ako oh! Hindi na 'ko aalis."
tumatawang aniya.Humiwalay ako sa kanya kahit ayaw ko pa, naalala ko kasi na kailangan ko palang magpunta sa trabaho. Nagpaalam na ako dito.
Gaya ng inaasahan ay tambak ang trabaho na nag-iintay sa akin sa kumpanya. Sa tuwing pakiramdam ko na nababawasan ang tambak na paper works ay parang biglang may dumadagdag pa.
Napapahilot ako sa sentido sa dami ng kailangan kong tapusin.
"Pinapatawag ka po ni Ma'am Lia sa office niya."
Ano na naman kaya ang kailangan niya?Tumango lang ako bilang tugon at diretsong naglakad papunta sa CEO's office.
Pagdating ko doon ay nakita ko itong seryosong nakaupo sa kanyang swivel chair, sa harapan ng marami ring paper works at nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin."What is this, Miss David?"
Hindi ko alam kung saan galing ang tonong iyon pero nakakatakot pakinggan ang paraan ng pagbanggit niya sa apelyido ko at sa sobrang kaba ko ay nagpapawis na ang mga palad ko."H-ha?"
Galit na naman siya? May toyo na naman, tss."Miss David, I'm extremely disappointed in the latest report and pricing strategies your team has presented."
pagsisimula niya at napalunok na lang ako.Bumagsak ang balikat ko sa narinig.
Alam ko kung gaano ka-importante ang mga binanggit niya at ang pagkakamali doon ay maaring makaapekto sa kumpanya.
At alam ko rin na hindi basta nakalalampas ang ganitong kapabayaan sa mga mata ni Goliath."I apologize m-ma'am, We have been working tirelessly to ensure the accuracy of the report and the effectiveness of our pricing strategies."
sinusubukan kong magpaliwanag sa kanya, ayokong sayangin ang effort ng mga empleyado na halos dito na matulog matapos lang ang trabaho.
BINABASA MO ANG
David and Goliath (GL) (EDITING)
RomanceShe was the Boss, The typical cold-hearted bitch. While she was a hard-working employee. Everything was perfect until one piece of paper and a careless lie change their perfect separate lives. (This is a work of pure fiction and NOT related to the o...