Chapter 01
ARIES
She always look so lonely and cold.
Sabrina has always been so mysterious to me. Kahit noong elementary pa lang kami ay napakamisteryoso na niya. Parang ayaw niyang papasukin ang kahit sino sa buhay niya. Palagi niyang suot suot ang walang emosyong mukha niya sa lahat ng pagkakataon. Hindi naman siya harsh sa iba at hindi rin naman ganu'n kabait. Parang nasa gitna lang siya ganu'n. I couldn't explain it!
But because of that, mas lalo akong naging interesado sa kanya. I want so badly to be her friend! Pero ayaw niya talaga akong kausapin at pansinin kahit na sobra sobra na ang pagpapapansin ko sa kanya.
Hindi ko talaga alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang lubayan. Siguro kasi nararamdaman ko na papapasukin niya rin ako sa mundo niya?
Siguro kapag nagpatuloy pa ako ay kausapin niya na ako, baka tignan na niya ako at baka kapag nagpatuloy ako ay sabihin na niya sa wakas ang pangalan ko.
"Tandaan mo ah, Aries pangalan ko! Kaya p'wedeng p'wede mo akong tawagin kahit anong oras!" nakangiting sabi ko sa kanya pero tinigan niya lang ako bago pumasok sa loob ng bahay nila.
I still smiled and looked at her back. That's okay atleast tumigil siya sa harap ko para pakinggan ang sasabihin ko.
Araw araw ko ginagaslight ang sarili ko na sa bawat paglingon niya sa akin ay unti unti na akong nakakalapit sa kanya.
Day by day I get to know her better. Even though she don't actually talk to me at kakausapin lang ako kapag gusto niyang manahimik na ako or pinapaalis niya ako.
Kahit na alam kong naiirita siya sa akin sa lahat ng pagkakataon ay hinahayaan niya namang sundan ko siya palagi. Mula sa pagpasok sa school hanggang sa playground hanggang sa makauwi siya. Parang cycle na 'yon ng buhay ko.
Palagi ko siyang sinusundan kasi gusto ko palaging pagmasdan ang mahaba niyang buhok. Ang ganda kasing tignan lalo na kapag tinatangay ng hangin. Parang 'yung buhok niya 'yung mismong kumakausap sa akin, parang may sarili silang buhay. Kaya kuntento na ako kahit palagi akong nakasunod sa kanya.
One thing I'm amazed about her is that she can walk even without looking at the road. Paano sa libro niya lang siya nakatingin kahit saan siya magpunta! Sobrang swerte nga ng libro niya dahil mas tinutuon niya ang atensyon niya dito. Naririnig ko pa siya minsang nagsasalita habang nakaharap sa libro. Nakakaselos tuloy.
Minsan hiniling ko na lang na maging libro!
Hoy seryoso nga, hiniling ko nga 'yon sa wishing well kahit naman alam kong hindi matutupad.
Sa school, palagi akong may mata sa kanya kahit saan siya magpunta o kahit wala ako sa likod niya. Kahit sa malayo ay sa kanya pa rin ang tingin ko. Kaya naman kapag may mga taong nagsasalita sa likod niya ay ako agad ang nakakarinig.
"Sabrina? She's not ideal though."
"Parang emo, mahirap 'yang lapitan kasi hindi naman kumakausap ng iba. And besides she's really out of our league." dinig kong sabi ng iba naming kaklase.
"Masyado siyang paawa sa tuwing papasok siya dito sa classroom. Really? What's with her?"
Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at nilapitan sila. Mukhang nagulat pa nga sila sa biglang paglapit ko e.
"Don't even talk to her like that, hindi mo siya kilala." madiing sabi ko.
"Aww acting like her superhero? How ironic." sambit nito.
Malakas kong hinampas ang desk niya kaya napapitlag siya mula sa kinauupuan niya. Unti unti kong nilapit ang mukha ko habang nanlilisik ang mga mata sa kanya. Parang kumukulo ang dugo ko dahil sa kanya.
"Once I heared you or any of our classmates saying those kinds of words to her, hindi ko palalagpasin."
I never thought that I could say that to someone! Kahit ako ay nagulat sa ginawa at sinabi ko. Hindi alam 'yon ni Sabrina dahil hindi ko naman sinabi sa kanya. Wala na rin akong naririnig na ibang mga salita mula sa iba kaya alam kong hindi niya 'yon alam. For some reason it maybe me feel at ease, that I could able to protect her without her even knowing.
I followed her until high school. As usual she was so pissed up to me kasi sinundan ko pa daw siya.
"Hindi mo na ako kailangan sundan! I can accompany myself so just mind your own business. I don't need you here, Aries."
That was the longest sentence she said to me. Parang hindi ako tinablan sa mga salitang sinabi niya dahil ang tumatak sa utak ko ay ang pakikipagusap niya sa akin ng ganu'ng kahaba at ang pag banggit niya ng pangalan ko. I couldn't thought before na maganda palang bigkasin ang pangalan ko.
Mukha man akong tanga na nakangiti sa kanya habang sinasabi iyon ay wala naman akong pakialam. Kahit na inirapan niya ako at nagwalk out nanaman. Sinundan ko pa rin siya.
In 7th grade I didn't take my studies seriously kaya ang naging resulta ay nagkahiwalay kami ng section ni Sabrina. Sobrang lungkot ko kaya no'n dahil nasa 4th floor ako at siya ay nasa 1st floor ng building! Palagi akong nagmamadali tuwing recess para maabutan siya kasi alam kong mag-isa nanaman siyang kakain.
Hindi siya dumidiretso ng cafeteria dahil palagi siyang may baon, mas gusto niya lang kumain sa field dahil mas mahangin at wala masyadong tao. Kaya palagi ko siyang sinasamahan at palagi na rin akong nagbabaon ng sarili kong pagkain.
"Anong ulam mo?" tanong ko sa kanya.
"Nuggets." simpleng sagot niya.
"Gusto mong bacon? Marami pa ako dito!" umiling siya kaya napatango tango na lang ako.
"You're with me again." walang emosyong sabi nito.
Humarap ako sa kanya at umayos ng upo. "Kasi mag-isa ka, ayaw kong iwanan ka mag-isa!"
So when we entered 8th grade, I studied hard and thankfully got in the same class as her. Sobrang galing niya kasi sa academics kaya dapat ay masabayan ko siya dahil kung hindi ay malilipat ako ng section at hindi siya masasabayan sa recognition!
When honestly I wasn't that smart! P.E nga lang ata ang pinakanaiintindihan kong subject kaysa sa kanya na kayang ipasa lahat ng subjects namin.
Pero tuwing P.E time ay palagi akong nakatingin sa kanya. Hindi kasi siya mahilig sa mga physical activities kaya palagi ko siyang inaalalayan. She looks so cute on that t-shirt and jogging pants, kahit na mas nagmukha siyang maliit tignan sa tabi ko.
I wanted to teach her how to play basketball, but she always refuses. Like she always does.
But that one day on summer, hindi ko inaasahan na. . siya mismo ang lumapit sa akin at sinabing. . .
"P'wede mo ba akong turuan maglaro?"
![](https://img.wattpad.com/cover/359443581-288-k530847.jpg)
YOU ARE READING
Shining Stars In The Night
Short StoryShe doesn't like him, she was annoyed by him, she doesn't want to be around him. But that doesn't stop Aries to follow her, that doesn't stop him to end his feelings for her. He's the only person that could understand her, he's the only person who c...