Chapter 10
ARIES
Habang tumatagal nakikita ko ang pagbabago niya.
Katulad ng sinabi ko sa kanya, handa akong makinig sa lahat ng sasabihin niya kahit ano pa 'yan. Kahit tungkol sa mga batas o sa mga librong binabasa niya, handa naman akong makinig sa kanya. At simula no'n napansin ko na hindi na niya nililimitahan ang sarili niya sa mga sinasabi niya sa akin.
"I told you that's the craziest thing I've done because of reading that fantasy book. Pero s'yempre bata pa naman ako noon, so I don't really have any idea of what I'm doing." kwento niya habang dinuduyan ang sarili sa swing.
Yes andito nanaman kami sa playground. Linggo ngayon kaya parehas kaming bakante. Mamaya nga ay gusto ko siyang ayain sa seaside since hindi ko pa siya nadadala doon.
"Sayang hindi ko nakita 'yon, e'di sana sinalo kita nu'ng tumalon ka." natatawang sabi ko.
"E'di mahuhulog ka rin, kaya 'wag na lang!" sabi nito.
Since it's already lunch, naisipan niyang magluto para sa tanghalian namin kaya sinamahan ko na lang siyang mamili sa malapit na convience store. She said she wanted to try beef tapa kasi hindi niya pa daw natitikman 'yon and nacucurious talaga siya sa lasa. Sabi ko naman ay malasa 'yon at masarap tapos madali lang lutuin. Best combo talaga nu'n ay hot rice tapos coke! Nakakagutom.
We would always share our lunch together. Kapag may pasok ay lumilipad pa ako papunta sa university nila para sabay kami kumain. Thanks to my schedule nagagawa ko palaging bisitahin siya doon. Ako ang pumupunta dahil alam kong tight ang schedule niya palagi. Pero kapag alam niyang may dapat pa akong gawin ay pinipigilan niya akong pumunta sa kanya.
Everyday, I can see many changes on her. From her moods, the way she talks and her gestures on me. Bago lahat sa akin 'yon kaya hindi ko maiwasang matuwa dahil may naging epekto rin pala ako sa kanya.
Napapansin ko na ang pagngiti niya pero tipid lang iyon, damot talaga. Napapansin ko na rin ang mahina niyang pagtawa sa mga jokes ko.
At higit sa lahat napapansin ko na rin ang pag tingin niya sa akin sa tuwing hindi ako nakatingin sa kanya. S'yempre nakikita ko sa peripheral vision ko pero magkukunwari akong hindi ko siya napapansin.
Those changes means a lot to me. Ngayon ko nadidiscover na may ganito pala siyang side na mas magugustuhan ko sa kanya.
"Lunch is ready!" sambit niya habang nilalapag sa dining table nila ang isang plato ng beef tapa na niluto niya.
Kaming dalawa lang rito sa bahay nila since may trabaho si Tita sa umaga hanggang hapon. Kaya tuloy naiiwan magisa dito si Sabrina at nakakasama niya lang ang momy niya tuwing gabi. Ang dady naman niya ay isang linggong hindi umuuwi sa kanila.
That's why I'm always here to acompany her, like always.
Nilagyan ko na siya ng kanin sa plato at nilagyan na rin ng ulam bago ko lagyan ang akin.
"Ikaw muna tumikim kung masarap."
I chuckled on her before taking a bite. Ang lambot ng pagkakaluto niya sa tapa.
"Sarap, mapaparami kain ko!" nakangiting sabi ko and then there she is, smiling back at me.
Lumabas ang maliit niyang dimple sa magkabilang pisngi niya. Ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya! Bakit naman sobrang ganda niyang ngumiti??
"Stop staring at me, Aries." she said and avoided my gaze.
Nilapag ko ang hawak kong kutsara at pinatong ang baba ko sa kamay ko habang nakatingin sa kanya. "Ang ganda mo."
YOU ARE READING
Shining Stars In The Night
Cerita PendekShe doesn't like him, she was annoyed by him, she doesn't want to be around him. But that doesn't stop Aries to follow her, that doesn't stop him to end his feelings for her. He's the only person that could understand her, he's the only person who c...