Chapter 05

122 15 10
                                    

Chapter 05

ARIES

Kung tatanungin niyo ako kung balak ko ba siyang ligawan? S'yempre naman oo ang sagot ko.

Pero hindi pa ngayon, hihintayin ko 'yung araw na handa na siyang magpapasok sa buhay niya. Yes you might say she's talking with me at pinpansin na niya ako pero alam ko sa sarili kong hindi niya pa ako totally tinatanggap sa buhay niya. She's still hesitating to open a door for me and I'm aware of it. Alam kong mahabang proseso 'to para sa aming dalawa, pero I have fate for it. I have fate for her.

"Wala ka bang balak makipagdate?" Dale asked me last time while we're eating at the cafeteria.

"Wala, hindi pa ngayon." sagot ko.

"Why though? Marami kayang nagkakagusto sa'yo sa department."

"Talaga? Hindi ko alam 'yun ah." Well wala kasi akong pakialam kung mayroon mang nagkakagusto sa akin. Nasa iba kasi ang atensyon ko kaya hindi talaga ako aware.

"Why don't you give it a shot? Date one of them." suhest'yon niya sa akin, pero napaismid ako. "Is it even required?" tanong ko.

He laughed at me. "Sabihin mo na lang kasi na interesado ka na sa isang tao." nakangising sabi niya.

He got me there, in my 10 years of living I'm only interested on one person.

That person has a long black hair, pale white skin, has a mole on her right cheek, has pink lips and small pointed nose. That person would sometimes wear her specs while reading those books. That person loves to eat blackberry cheesecake. That person always wear her poker face even though I know she had this beautiful smile. That person doesn't like being late in class, or being late on her schedule.

And that person always push me away.

But I'm used to it so I don't mind. Why? Kasi kahit tinutulak niya ako palayo, hinahayaan niyang sundan ko pa rin siya. Hinahayaan niyang kuhanan ko siya palagi ng pictures or even videos. Hinahayaan niyang abangan ko siya palagi tuwing umaga. Alam ko na kahit anong gawin kong ikaiinis niya, hahayaan niyang manatili ako sa tabi niya.

Kahit anong tulak niya, siya pa rin 'yung babaeng nagbigay sa akin ng bracelet na 'to na kahit minsan ay hindi ko tinanggal. Siya pa rin 'yung babaeng nagpaturo sa aking maglaro ng basketball at siya pa rin 'yung babaeng laman ng puso't isip ko.

It feels like I was born to follow her. I feel like I was born to be her protector. I feel like I was born to be the only person who will stay with her.

"Aries bumaba ka na d'yan, baka ma-late tayo sa misa." My mom called me kaya dali dali kong binutones ang suot kong polo.

Nang makababa ako galing sa kwarto ko ay ngumiti sa akin si Mama at nilapitan ako para ayusin ang buhok ko.

"You grew up so fast. Parang dati lang mas maliit ka pa sa'kin." Napakamot na lang ako sa ulo. Sa tuwing sinasabihan niya ako ng gan'yan ay pakiramdam ko ang laki ng tinanda ko.

"Ma, palagi mong sinasabi sa akin 'yan."

She laughed and pinched my nose. "Kailan mo ba ipapakilala bilang girlfriend mo si Sabrina?"

"She's not ready for a relationship pa, Ma." nakangusong sabi ko.

Tinanong ko na siya noon kung kailan niya balak makipagdate. Pero ang tanging sagot niya lang sa akin ay mas gugustuhin niyang i-date 'yung mga readings niya. Ganu'n ba siya kasabik mag aral? Ni hindi ko nga alam kung aware ba siya sa salitang romance! Mukhang wala 'yun sa bokabularyo niya.

"But are you willing to wait for her?" tanong ni Mama.

"Oo naman, Ma. Kahit ga'no pa katagal." agad na sagot ko.

Sumilay ang lungkot sa mata niya habang hinahagpos ang buhok ko. "But is she willing to come for you?"

That question hunts me, everyday and everynight. Walang kasiguraduhan kung sa paghihintay ko sa kanya ay sa akin rin ang punta niya. Wala akong kasiguraduhan kung kasama ba ako sa hinaharap niya, kung kasama ba ako sa lahat ng pinplano niya. Hindi ako sigurado kung handa ba siyang papasukin ako ng tuluyan sa mundo niyang sobrang hirap abutin. Hindi ko alam, kasi hindi niya sinasabi sa akin. Hindi ko alam kasi hindi ko maramdaman.

Because of that thought, nag lie low ako sa kanya. Alam kong mali pero sa tuwing nakikita ko siya ay umeecho sa utak ko ang sinabi sa akin ni Mama. And it hurts that I couldn't say yes to that question. It hurts that I know to myself na wala ako sa vision niya.

Alam ko sa sarili kong mananatili ako sa likod niya, sa anino niya.

"Bakit tinanghali ka ngayon? Hindi mo ba sasabayan si Sabrina?" tanong sa akin ni Mama.

"May lakad po ako ngayon. Mauna na po ako."

It was a lie, wala naman talaga akong pupuntahan though wala akong klase ngayong araw. Natapos ko nang gawin ang film ko and thankfully nasubmit ko iyon ngayong buwan bago sumapit ang deadline. Others liked the idea of my film, ang nostalgic raw ng feeling at very cinematic ang dating. Ilang gabi kong pinaghirapan na i-edit 'yon para maganda ang kalabasan pero hindi ko na nagawang ipakita sa kanya ang resulta ng gawa ko.

I went to the Sky Tower. Dinama ko ang malakas na hangin dito sa taas. Nakatago ang araw dahil kumalat ang mga ulap sa langit pero hindi naman makulimlim at maliwanag pa rin. But it feels empty.

In-on ko ang handycam at bumungad sa akin ang isang video ni Sabrina na natutulog sa desk niya.

"She looks so tired right?" dinig ko sa boses ko sa video. "And yet she looks so peaceful."

Dahan dahan kong tinanggal sa video ang specs na suot niya. Nilagyan ko siya ng scarf para hindi siya lamigin at niligpit ko ang mga gamit niya sa lamesa.

"I could stare at you for hours." I whispered from the video.

Ilang minuto kong pinanood ang video at sa bawat minutong iyon ay nakatutok lang ang camera sa kanya habang natutulog. I can't imagine that I adored her so much. In those years of liking her, hindi nawala ang nararamdaman ko at hanggang ngayon ay mas lumalalim pa to the point na masakit pala.

"Riri. ." bulong niya mula sa video.

I heared myself chuckled from the video. "Why Riri?"

"Stay. ." bulong niya ulit habang nakapikit ang mga mata. Parang nananaginip siya kaya nags-sleep talk.

"I promise you, I will stay."

Shining Stars In The NightWhere stories live. Discover now