Chapter 14

102 6 0
                                    

Chapter 14

ARIES

After arriving to our destination, we headed to the hotel we're staying in. Again, sinagot nanaman ni Dale ang budget dahil sa kanila naman 'yung hotel. He's most likely want to treat everyone. Hindi naman kami makaangal dahil nakakahiya pero mapilit siya kaya wala na rin kaming magawa.

We decided to stay in our rooms until 11 am para makapagpahinga. Kasama ko sa room si Dale, Liam at Denzel, habang ang girls naman ay magkakasama sa katapat naming room.

Our room consists of 3 beds. Katabi ko si Liam, samantalang tig-isa naman ng kama sina Dale at Denzel. The room was quiet big for the the four of us. May balcony rin at malaki ang bathroom. There are also big cabinets at may mga libre pa silang products na pwede naming gamitin.

They got a good customer's service. Worth it ang babayaran mo.

"Bakit may scarf ka ng babae?" tanong sa akin ni Liam.

Inaayos ko kasi ang gamit ko sa bag dahil magpapalit rin ako ng damit. Dinala ko 'tong scarf ni Sabrina just in case na kailanganin niya dahil balak namin gumawa ng bonfire mamayang gabi. Malamig kasi sa tabing dagat tuwing gabi.

"Kay Sab." simpleng sagot ko.

Inakbayan ako ni Dale. "Si loverboy oh! Sasagutin ka na ba?" he asked while simling from ear to ear.

Palagi na lang akong kinakabahan sa tuwing tinatanong nila sa akin 'yan. Hindi ko naman kasi alam ang tumatakbo sa isip ni Sabrina o kung ano bang nararamdaman niya. I know she's not really expressive and it's hard for her to admit her feelings.

Pero minsan hindi ko na maiwasan na mag overthink na baka... baka hindi niya rin ako sagutin sa huli.

I still tried to smiled and said. "Malapit na."

"Sheeshh!" sabay sabay nilang sabi. Kuya Denzel and Liam throw me a pillow kaya umilag ako doon.

"Turuan mo nga 'tong si Dale nang magkajowa na." Kuya Denzel said and laughed.


"Nagsalita ang may girlfriend!" gatong naman ni Dale at binato ito ng unan pero nakaiwas ang kuya niya.

"Atleast hindi nareject." sagot pabalik ni Kuya Denzel kaya napahagalpak ako ng tawa.

"Ang sakit mo naman magsalita." nakangusong sabi ni Dale

I just laughed at them. It was true, palaging sinasabi sa akin ni Dale na jowang jowa na siya pero walang umaamin sa kanya o di kaya ay narereject siya. Sa aming dalawa naman kasi ay mas torpe ang lalaking 'to tapos kapag aamin naman ay wrong timing pa. Kaya paano 'to magkaka love life?

After that short chitchat, we rest for awhile. I went to the balcony of our room and watched the view. It was calming yet peaceful. Para bang tinatawag ako ng dagat dahil sa sobrang payapa. Maganda ang panahon at makikita mo sa ere ang mga lumilipad na ibon.

Sana hanggang pag tanda ko ay madala ko sa mga ganitong lugar si Sabrina. Iyon lang ang hinihiling ko, ang makasama ko siya palagi.

"Huwag ka masyado sa malalim! Sab!"

Napasapo na lang ako sa noo ng hindi niya ako pansinin at tumuloy pa rin sa pagtakbo papunta sa tubig. Hinahanol niya pa sina Ziya at Eli kaya hindi ako mapakali rito sa kinauupuan ko. Paano ba naman kasi bilin sa akin ni Tita Sarina na hindi siya p'wedeng mapagod masyado dahil sa puso niya.

Shining Stars In The NightWhere stories live. Discover now